^

Pang Movies

Jodi tikom ang bibig sa annulment, matatagalan pa bago magpakasal uli

SO..CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Excited na si Jodi Sta. Maria sa film version ng hit morning teleserye nila ni Richard “Ser Chief” Yap na  Be Careful With My Heart na isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013, produced ng Star Cinema.

“Pinaghahandaan na namin ni Ser Chief at ng buong cast ng Be Careful With My Heart ang movie version. Siyempre si Direk Jeffrey (Jeturian), gusto niyang maganda ang kalalabasan ng pelikula kaya pinag-aaralan na nila ni Tita Mel (del Rosario) ‘yung big screen version nito.

“Tamang-tama dahil para ito sa MMFF at Christmas pa, kaya pang-pamilya ito,” balita ni Jodi sa launch niya bilang endorser ng Cosmo Body ng BFPC kamakailan.

Sa ipinakita na audio-visual presentation ni Jodi para sa kanyang TV commercial, sumasayaw ang aktres sa song ni Beyonce na Single Ladies.

Tuloy marami ang nagtanong sa kanya, annulled na ba ang kasal nila ni Pampi Lacson?

“Kayo naman, para lang ‘yun sa commercial for Cosmo Body,” sabay tawa niya.

“I can not say anything about it dahil nasa proseso pa ang lahat. Kung may results na hindi ko naman hindi puwedeng ibalita, ‘di ba?”

Hinihintay daw kasi ng boyfriend niyang si Jolo Revilla ang kanyang annulment para maplano na ang kanilang kasal.

“Ay, kasal agad?” tawa pa niya ulit.

“Malayo pa iyon. Nag-usap naman kami ni Jolo and we’re okay with our relationship. ‘Yung kasal matagal pa ‘yan.”

May nagtanong din kay Jodi kung gusto ba niyang mag-comment sa nalalapit na panganganak ni Iwa Moto na ang tatay ay ang kanyang estranged husband.

Nag-smile lang ang Kapamilya actress at sinabing iba na lang ang itanong dahil wala  siyang puwedeng i-comment doon kasi nag-move on na raw siya.

Pacman malabong magretiro, si Coach Freddie lang ang makapagsasabi

Ibinalita kamakailan sa Yahoo! Sports ang ginawang promotional tour ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa Beverly Hills, California sa Amerika para sa kanyang laban sa November with Brandon Rios sa Macau.

Dalawang taon na ang nakalipas nang huling manalo si Pacman at papatunayan niya sa laban kay Rios na nasa tamang porma pa rin siya para lumaban at simula pa lang ito ng mga susunod pang duelo at hindi para magretiro na siya.

“I want to prove that I can still fight and my boxing career is not done yet,’’ pahayag ni Pacquiao nang humarap siya sa international media sa Beverly Hills Hotel.

“I have confidence in my ability. If you really look at my last fight, my conditioning, my killer instinct was still there. Everything was happening until that punch.”

Ang tinukoy ni Pacman ay ang naging laban niya kay Juan Manuel Marquez na nakaranas siyang ma-knockout.

“I didn’t choose an easy opponent. I didn’t choose a tuneup fight. I choose to fight a good fighter. I love to fight.

“‘It’s really important to win this fight. Not just win but to win convincingly, either knockout or decision, as long as the fans are satisfied,” sabi pa ng boxer-congressman.

Malaki pa rin ang paniwala ng mentor at coach ni Pacman na si Freddie Roach sa kakayahan na puwede pa nitong ipakita kahit na dalawang beses na itong hindi nakakamit ang victory.

“Manny is a realist.  If you don’t think you can get knocked out in this sport, you picked the wrong sport.

“He knows it can happen. It happened twice before I met Manny Pacquiao. He showed me those tapes. He wasn’t embarrassed by it. He knows it’s part of life in boxing. That’s why he deals with it so well. It doesn’t bother him,’” sabi ni Coach Freddie.

Tungkol naman sa balitang pinagre-retire na si Pacman sa boxing, siya na rin mismo ang magsasabi kung kelan dapat tumigil na ito sa pakikipaglaban.

“I’ll even go so far as to say if I see flaws in training camp, I’ll tell Manny, ‘It’s over,’” sabi pa ng coach ni Manny.

BE CAREFUL WITH MY HEART

BEVERLY HILLS

BEVERLY HILLS HOTEL

BRANDON RIOS

COACH FREDDIE

COSMO BODY

JODI

PACMAN

SER CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with