^

Pang Movies

Comelec Chairman Sixto kasamang matulog ang stuffed toys

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong Martes, silipin ang buhay at bahay ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes sa Powerhouse.

Kasama ang bagong host na si Kara David, lilibutin ng Powerhouse ang bungalow ni Atty. Brillantes na mahigit apat na dekada na niyang tahanan. 

Sa loob, ipapakita ng COMELEC official ang kanyang mga koleksyon katulad ng mga cork-capped bottle na walang laman at mga mamahaling alak. Nang tanungin kung mahilig ba siyang uminom, inamin ni Brillantes na huminto na siya pero hindi niya ito ipinagsasabi kaya nakakatanggap pa rin siya ng mga alak bilang regalo mula sa mga kaibigan. 

Bagamat 72 anyos na, young at heart pa rin ang opisyal at makikita ito sa kulay ng kanyang banyo – pula! Mayroon din siyang koleksiyon ng stuffed toys na nasa kanyang kuwarto at kasama niyang matulog.

Ang kilala ng marami bilang no-nonsense leader sa COMELEC ay isa pa lang sen­timental guy. Hindi na nagpakasal pa si Atty. Brillan­tes matapos ang biglaang pagkamatay ng kanyang asawa noong 1992. At nakatabi pa rin ang mga love letter nila ng kanyang asawa simula pa nang sila’y nagliligawan!

Ilan lamang ito sa mga bagay na maari pang malaman tungkol kay COMELEC Chairman Sixto ngayong Martes sa Powerhouse, 8:00 p.m., sa GMA News TV.

 

BAGAMAT

BRILLAN

BRILLANTES

CHAIRMAN SIXTO

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

ILAN

KARA DAVID

NGAYONG MARTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with