^

Pang Movies

Rachelle Ann inaasam na mapasama sa pelikula ni Sarah

PARNIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hanggang ngayon ay wala pang resulta ang audition ni Rachelle Ann Go sa Miss Saigon.

“Waley pa,” malungkot pero hoping na sabi nito sa isang interview.

Hindi naman siya nawawalan ng pag-asa at nagpi-pray na isa siya sa mga makakasama sa cast ng nasa­bing Broadway show na kahit anong role raw sa Miss Saigon ay okay.

“If it’s not God’s will then it is not my destiny. But I’m hoping for the best! Kung hindi then I’ll still move forward,” positibong sabi ni Rachelle Ann.

Kaya for the meantime ay busy pa muna ang Kapuso singer sa pagpo-promote ng album niyang Unbreakable under Viva Records.

Pinag-uusapan din nila ni Boss Vic del Rosario na puwede siyang mag-try sa pelikula. Ikinatuwa naman ito ng singer at nag-wish pa na makasama sa isang pelikula si Sarah Geronimo na sana raw ay musical ang tema. Plano rin ni Rachelle Ann na magkaroon ng concert at pinag-iisipan na nila ang detalye.

Enchong pinagkakaguluhan sa music video ni Yeng

Hanggang ngayon ang lakas pa rin ng hatak ng music video ni Yeng Constantino na Chinito sa MYX sa Studio 23. Lahat ng bagets sa bahay ay nagtatakbuhan sa harap ng TV set kapag ito na ang ipinapapalabas. Akala ko ay nagagandahan sila sa kanta ni Yeng. ’Yun pala, gustung-gusto nilang mapanood si Enchong Dee.

In fairness sa aktor, swabe siya sa music video na ka-partner ng pop rock singer sa nasabing single. Kaya dapat magpasalamat si Yeng at hindi niya puwedeng i-solo ang credit sa pagiging consis­tent hit ng Chinito music chart. Niri-request na rin sa mga videoke na isama na ang kanta kaya marami nang nagpapa-upload nito sa mga sing-along bar.

Samantala, mahusay na talaga si Enchong sa kanyang mga ginagampanang role mula sa Four Sisters and a Wedding, Tuhog, at Muling Buksan ang Puso may pinaghuhugutan na siyang emosyon sa bawat cha­racter na kanyang ginagampanan. At least, tuluy-tuloy na pinapatunayan ni Enchong na meron talaga siyang ibubuga sa aktingan.

TJ Marquez na-bless sa endorsements

Hanep si TJ Marquez, ang dami na niyang endorsements sa print at TV ads kaya naman nakabalandra na sa mga mall ang kanyang pictures at maging sa kahabaan ng EDSA.

Blessing daw ’yun kaya thankful siya sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanya. Nabigyan din ang aktor ng award na Outstanding Dangal ng Bayan na isa siya sa mga pinangaralan sa hanay ng mga TV personality.

Excited din ang bagets sa indie movie na ginagawa niya ngayon, ang Chasing Boulevard. Ipinagmamalaki ito ni TJ dahil parang mainstream daw ang atake sa kanilang istorya. Kasama niya sa indie film sina Kiko Estrada, Kim Rodriguez, at pati na rin si German “Kuya Germs” Moreno.

 

BOSS VIC

BUT I

CHASING BOULEVARD

CHINITO

ENCHONG

ENCHONG DEE

MISS SAIGON

RACHELLE ANN

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with