Gretchen dedma sa problema nina Claudine at Raymart

MANILA, Philippines - Unfair naman ang akusasyon kay Gretchen Barretto sa akting niya sa Cine­malaya indie movie niyang The Diplomat Hotel. Ang intriga ay napaarte raw siya ni direk Christopher Ad Castillo, huh!

Eh, nu’ng sinu-shooting kasi ni Greta ang movie, kasagsagan ‘yon ng away nila ni Claudine at sa ina’t kapatid na kampi sa huli. Pero pinatunayan naman ng kanyang co-stars ang magandang akting ng aktres sa mga moments niya sa movie.

Of course, keber ba ni Greta kung tirahin ang pag-arte niya. Tutal naman, pinagkakatiwalaan pa naman siya ng mga producers sa movie at telebisyon, ‘di ba?  In demand pa rin siya kumbaga.

Kaya naman dedma siya sa away ng kapatid at asawa nitong si Raymart Santiago base sa isang interview sa kanya. Mas concern siya sa kanyang self-preservation kesa sumawsaw pa sa isang isyu ng kapatid, huh!

Cloie Concepcion tuloy na ang pagso-showbiz

Wala nang urungan ang pagpasok sa showbiz ng anak ni Gabby Concepcion kay Jenny Syquia na si Cloie Concepcion. Bilang panimula, pinag-aaral na siya ng Tagalog at nu’ng humarap siya sa media, Tagalog ang kanyang pagbati kahit garalgal pa ito sa pagbigkas ng ilang kataga.

Ang Viva Artists Agency ang mamamahala sa career ni Cloie pati na ang ina niyang si Jenny na dating artist din ng Viva.

 â€œI’m really sure of joining showbiz and I am really excited about it. So I am here now for good,” say ni Cloie.

“I am just here to support Cloie and in everything she wants to do. Even though there are things to be difficult, it’s nice that my daughter has chosen the same career that I had,” saad naman ni Jenny.

Mas una ngang naka-bonding ni Cloie ang half-sister na si KC Concepcion kumpara sa father niya na one year old pa lang siya nang naiwan.

 â€œAte KC and I bond a lot. We talk about girly things. Just all kinds of things,” pahayag ng dalaga.

Wala naman daw problema si Jenny kay Gabby dahil matagal na ‘yung nangyari sa kanila.

 â€œI think it was almost two years ago when I said it’s all water under the bridge. Life goes on and I am much happier now. I think he is too from what I hear. I wish him the best and I hope he wishes the best for me too,” katuwiran ni Jenny.

Show comments