Marian hindi matanggap ng fans ni Angel

Ano naman ang kasalanan ni Marian Ri­vera kung nakasali siya sa A-Lister ng YES! 100 Most Beautiful Stars together with John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Gerald Anderson, Coco Martin, Kim Chiu, Sarah Geronimo, and Anne Curtis para i-bash sa kanyang Instagram ng fans ni Angel Locsin dahil hindi nakasama ang idolo nila sa listahan?

Hindi naman ito popularity contest, bakit hindi nila i-question si Ms. Joan Maglipon, editor-in-chief ng YES! Mag at ang criteria na sinunod ng kanilang team na pumili ng 100 stars sa iba’t ibang category? Kung sabagay, hindi naman sila papatulan ni Marian. Wala siyang gagawin kundi i-delete o i-block lamang sila.

Megan sinusuwerte sa tatlong TV networks

Ang suwerte naman ni Megan Young, napapanood siya sa tatlong TV network. Still a Star Magic talent, allowed si Megan na gumawa ng project sa ibang network kung wala namang maibigay na project sa kanya ang ABS-CBN. Kaya nga napapanood siya sa Misibis Bay ng TV5 every night as the daughter of Anthony Cadiz (Christopher de Leon) at isa sa kaaway ni Maita (Ritz Azul) sa pamamahala ng business na naiwanan ng kanyang ama, with her auntie Miranda (Vivian Velez), pagkatapos ng Undercover.

At ngayon, muling mapapanood si Megan sa pinanggalingan niyang network, ang GMA, na she was one of the finalists noon ng StarStruck. Nag-join kasi si Megan ng Miss World Philippines (MWP) na ngayon ay muling media partner ang GMA sa darating na grand finals ng beauty contest headed by Cory Quirino. 

Dati nang media partner ang GMA ng MWP nang manalo si Gwendoline Ruais in 2011. Pero last year, nagpalit sila ng media partner, mukhang hindi naging successful ang partnership nila kaya bumalik muli sila sa GMA Network, Inc.

Gaganapin ang grand coronation night ng Miss World Philippines pageant sa August sa Solaire Hotel & Casino na ang mananalo ay makakasali sa may 120 candidates sa Miss World 2013 na gaganapin sa Jakarta, Indonesia.

Show comments