Gwen naghinay-hinay sa pagkain, takot sa fat memo

Malaki na ang ipinayat ni Gwen Zamora nang huli naming makita siya sa press conference ng Binoy Henyo.

Tinanong namin siya kung isa ba siya sa nakatanggap ng “fat memo” mula sa mga bossing ng GMA 7 dahil concerned sila sa hitsura ng mga contract artist nila pagdating sa pisikal na kaanyuhan ng mga ito.

Natawa na lang si Gwen at sinabing wala naman daw siyang natanggap na ganung memo. Pero pinagsasabihan naman siya ng kanyang handler na maghinay-hinay sa pagkain dahil mabilis siyang tumaba.

“I admit that I do gain weight quite fast. But I get to burn it naman nang mabilis din.

 â€œI workout and I go on a diet if I feel that I’ve gained a lot of weight. I try to maintain my figure. Mahirap na rin ang makatanggap ng fat memo!” sabay tawa niya.

Ang Aso ni San Roque pa ang huling ginawa ni Gwen at matagal din siyang nagbakasyon kaya pagbalik niya ay nag-workout agad siya.

Gumaganap siyang stepmother ng bidang si David Remo at gusto niyang maging close sa bata para mailayo na ito sa tunay na inang ginagampanan naman ni Sheena Halili.

 

Show comments