Angel sunud-sunod ang suwerte

Masuwerte ang taong ito kay Angel Locsin dahil bukod sa mga acting awards na natanggap mula sa Philippine Movie Press Club Star Awards, FAMAS at Film Academy of the Philippines dahil sa makatotohanang pagganap sa One More Try ay nanalo rin siyang OMG Awards 2013 bilang Actress of the Year.

Nakakuha ito ng botong 263,220 at pumangalawa si Marian Rivera 245,279 votes; pangatlo si Anne Curtis 60,627 votes; pang-apat si Jodi Sta. Maria 49,545 votes at Bea Alonzo panglima 18,961 votes.

Malaking factor sa pagkapanalo ng magandang aktres ang kanyang humigit kumulang na three million Twitter followers na laging nakasuporta sa kanyang mga projects.

Hindi lang sa career masuwerte si Angel kundi gayundin sa kanyang lovelife kung saan laging nakasuporta sa kanyang career ang boyfriend na si Phil Younghusband.

Alex, loveless pa rin

Kung masuwerte sa kanyang career si Alessandra de Rossi dahil hindi ito nawawalan ng indie projects at sunud-sunod na awards ang natanggap, pagda­ting sa pag-ibig ay waring hindi pa rin siya mapalad. Zero pa rin ang lovelife nito matapos ang relasyon nila ni Jeremy Marquez. Lagi lang siyang nasa bahay kapag hindi busy sa syuting o taping. Wala na rin siyang nightlife. Hihintayin lang nito na kusang dumating sa kanyang buhay si Mr. Right.

Bida si Alex sa Liars sa direksyon ni Gil Portes. Isasali ito sa Director’s showcase category sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival.

Show comments