Fans hindi bumoto Daniel tinalo ni Enrique sa OMG!

MANILA, Philippines - Big winner ang Kapuso star na si Marian Rivera dahil siya ang tinanghal na 2013 Yahoo OMG! Celebrity of the Year at nakakuha nang mahigit na 182,744 votes mula sa kanyang mga fans. Ginanap ang Yahoo OMG! Awards Night noong isang gabi July 19 sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City. Sa kabuuan ay mahigit na 9.25 million votes ang nalikom ng Yahoo sa lahat ng nagwagi ngayong taong ito. 

Double victory ito para kay Marian dahil katatapos lang din niyang koronahan bilang Sexiest Woman ng FHM magazine ngayong taon.

Dumagundong ang Arena sa pagdagsa ng mga fans para suportahan ang kanilang mga idolo. Panay ang hiyawan ng mga fans ng Kapuso stars na sina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona na tinanghal na Female and Male Performer of the Year, nakakuha sila ng 309,132 votes at 134, 471 votes.

Samantalang nakamit din ng JuliElmo Pexers ang Fan Club of the Year with 244,531 votes.

Nakamit naman ng programang Eat Bulaga ang OMG! Best Noontime Show award with 184,993 votes, habang ang isa sa mga host nito na si Vic Sotto ang itinanghal na Favorite Male TV Host na nakakuha ng 151,916 votes.
Wagi rin ang bulilit dabarkads na si ‘aleng maliit’ na si Ryzza Mae Dizon na kinilalang OMG! Child Star of the Year at mayroong 205,804 votes. 

Sa ikatlong sunod na taon ay nagwagi muli si Eugene Domingo bilang OMG! Comedienne of the Year na mayroong 138,587 votes.
Napunta naman ang OMG! Awards 2013 Best FM Radio Station sa Brgy LS 97.1. na mayroong 133,004 votes at ang tinanghal na Female Radio DJ of the Year ay si Nicolehyala ng Tambalan 90.7, at nakakuha ng 126,609 votes at ang Male Radio DJ of the Year ay si Papa Jack with 161,350 votes.

Humakot din siyempre at hindi nagpahuli sa parangal ang mga Kapamilya stars sa Yahoo OMG! Awards. Wagi si Coco Martin bilang Actor of the Year at may botong 190,262 at si Angel Locsin bilang Actress of the Year at may botong 263,220. Comedian of the Year si Vice Ganda na mayroong 190,861 votes.

Breakthrough Actor si Enrique Gil na may 316,772 votes at tinalo niya ang hottest teen star ngayon na si Daniel Padilla. Breaktrough Actress si Kathryn Bernardo na may 278, 152 votes.

Ang TV Patrol naman ang tinanghal na News and Public affairs of the Year na may botong 159, 874 at tinanggap ni Korina Sanchez ang nasabing award. Si Toni Gonzaga ang Female TV Host of the Year na nakakuha ng 148,042 votes.

Teleserye of the Year ang Ina, Kapatid, Anak na may botong 205,468, Best Movie of the Year ang It Takes Man and a Woman with 169,953 votes at Best Loveteam of the Year sina Kim Chiu at Xian Lim with 325, 453 votes. 

Naging hosts ng third annual Yahoo OMG! Awards  sina Edu Manzano, Billy Crawford at nakadagdag sa ningning ng gabi ang naggagandahang performances nina Gary Valenciano, Kris Lawrence, Franco, Kwan, Solenn Heusaff, Lovi Poe, Erik Santos, Rachelle Ann Go, Christian Bautista, Jon Santos, Young JV, Yeng Constantino at Charice Pempengco.

Sayang nga lang at hindi personal na natanggap ng ilang nanalo ang kanilang award, no-show sina Vic Sotto, Toni Gonzaga, Angel Locsin, Kathryn Bernardo, Kim Chiu at Xian Lim.

 

Show comments