Cesar nagmamakaawa kay Sunshine ‘patawarin mo ako’

Kahit paano, napagsalita ni Regine Velasquez-Alcasid ang special guest niya sa Sarap Diva ng GMA 7 kahapon, si Cesar Montano, na doon sila nagluto ng pasta at pizza sa Bellissimo Restaurant ng actor.  Habang nagluluto kasi, ini-interview ni Regine ang kanyang guest at hindi naiwasang sagutin ni Cesar ang tungkol sa paghihiwalay nila ng wife na si Sunshine Cruz. 

Ayon kay Cesar, ang relationship ng mag-asawa ay hindi destiny, isa itong journey at depende sa kanila kung paano ito magiging successful.  Nag-jamming sina Cesar at Regine at kinanta ni Cesar ang composition niyang Patawarin Mo Ako na nasa second album daw niya. 

Sabi ni Regine, “patawarin mo na raw siya” na patungkol siyempre kay Sunshine.  Nagparinig pa rin ng isa pang song si Cesar na paborito raw kantahin nila ng mga anak nila at ni Sunshine. 

Busy ngayon si Cesar sa pagbabalik niya sa GMA Network dahil nagsimula na silang mag-taping ng bagong drama series na Akin Pa Rin Ang Bukas with Ms. Helen Gamboa, Lovi Poe, Solenn Heussaff at Rocco Nacino.  Ipalalabas ito sa primetime ng GMA 7 sa last week of August.

Aktor na dating maruming palakad-lakad sa kalye, nagta-trabaho na uli

Happy kami nang muli naming napanood sa isang soap ang isang mahusay na actor.  Nasulat kasi noon na nagpabaya na siya sa kanyang sarili at sa kanyang career at madalas na nakikitang maruming palakad-lakad sa kalye. Kaya nagulat kami nang makita namin ang name niya sa cast ng ongoing soap ngayon kaya tinanong namin ang executive producer nila kung maayos naman ito sa set.  Medyo nga raw tahimik lagi ito sa set, pero once na humarap na siya sa camera, walang problema, he deli­vers.

Totoo nga na kapag mahusay ang isang artista, lilitaw at lilitaw ito lalo na kapag nasa harap na ito ng camera kahit pa may pinagdaraanang problema.

Direk Andoy nakinig sa viewers

Sinunod ng writer at ni direk Andoy Ranay ang request ng mga televiewers ng Mundo Mo’y Akin na pagandahin si Marilyn (Louise delos Reyes).  Top rater sa tatlong primetime telebabad ng GMA 7 ang serye kaya bilang pasasalamat sa mga avid followers nila, mayroon silang grand fans day mamayang 5:00 pm sa Market Market Mall, Taguig City.

Show comments