Love talaga ng Star Cinema si Dingdong Dantes kahit pa sabihing mula ito sa kalabang network na GMA 7. For the third time ay kinuha ng film arm ng ABS-CBN ang aktor para muling gumawa ng pelikula.
Nagkaroon na ng story conference last Friday ang pelikulang gagawin ni Dingdong sa Star Cinema and this time, makakasama naman niya si Bea Alonzo.
Ang nasabing pelikula ay parte pa rin ng year long 20th anniversary celebration ng Star Cinema kaya naman nang mainterbyu si Dindong ng ABS-CBN news ay ipinahayag ng aktor kung gaano siya kasaya at kasuwerte.
Matatandaang ang unang dalawang pelikula ni Dingdong sa Star Cinema na Segunda Mano at One More Try ang nagpapanalo sa kanya ng back to back acting trophies sa Metro Manila Film Festival awards night.
“I’m extremely happy na finally makakatrabaho ko siya,†sabi ni Dingdong.
Sa ngayon ay wala pa raw title ang pelikula at pinag-uusapan pa rin ng management kung kaninong direktor ibibigay.
Kiko Estrada ibang-iba sa ama
Ayon kay Kiko Estrada, iba raw siya sa kanyang amang si Gary Estrada. At nagsasabi naman siya ng totoo dahil kapansin-pansin na kung ano ang itinatahi-tahimik ng kanyang ama, siya namang kulit niya.
Pati sa pagsasalita ay magkaiba sila. Inglisero si Kiko at say nga niya, ang mommy niyang si Cheska Diaz ang nagturo sa kanya na mag-Ingles.
Inamin din niyang mas close siya sa kanyang ina at say niya, “I’m a Mama’s boy.â€
Pero close din naman daw siya sa ama at very supportive raw ito sa pag-aartista niya.
Kay Cheska siya nakatira pero paminsan-minsan ay pumupunta rin daw siya sa Quezon na hometown ng kanyang ama.