Nakakapanibago ang pagsasalita: Maricel hindi maibuka ang bibig!?

Natsugi na pala sa Youtube ang pinag-uusapan na video ni Maricel Soriano.

Hindi ko pa napapanood  ang video na mukhang hindi naman nakopya ng mga TV network dahil tinanggal na nga sa Youtube.

Pero malay natin, baka may nakapag-secure ng kopya ng video at i-share niya para sa kapakanan ng mga hindi pa nakakapanood.

Ang sabi ng mga nakasulyap sa video, nanibago sila sa pagsasalita ni Maricel dahil wiz nito maibuka nang maayos ang kanyang bibig.  Bakit nga ba? Ano ang dahilan?

At least, may publicity na agad ang pelikula na ipino-promote  ni Maricel. May sasagutin na siya sa presscon ng kanyang coming soon movie. Yon eh kung magkakaroon ang mga reporter ng lakas ng loob na tanungin si Maricel.

Erap kontra sa gusto ni Paul McCartney

Waiting ang lahat sa aksiyon na gagawin ni P-Noy sa apela sa kanya ni Paul McCartney, ang former Beatle na nagpadala ng sulat sa pangulo ng Pilipinas at  nakikiusap na palayain niya mula sa Manila Zoo ang elepante na si Mali.

Mga international celebrity ang umaapela kay P-Noy. Magpa-pressure kaya ang a­ting pangulo o ipapaubaya niya ang desisyon kay Manila City Mayor Joseph Estrada?

Kung si Papa Erap ang masusunod, ayaw niya na ipadala sa Thailand si Mali.

Ang katuwiran ni Papa Erap, ang mga Pinoy ang dapat magpasya at huwag pabayaan na makialam ang ibang bansa sa nararapat na gawin sa sikat na elepante.

May punto si Papa Erap sa sinabi nito na kayang-kaya ng ating pamahalaan na alagaan at ipagamot si Mali na hindi na raw malulungkot dahil dalawang elepante na manggagaling sa Sri Lanka ang malapit na niyang makasama sa Manila Zoo.

Jasmine iniiwasang pag-usapan si Sam

Iniiwasan  ni Jasmine Curtis Smith na mapag-usapan ang kanyang rumored boyfriend na si Sam Concepcion.

Paiwas ang mga sagot ni Jasmine nang usisain siya tungkol kay Sam ng mga reporter na nakausap niya kahapon sa event ng Flawless sa SMX Exhibition Hall.

Kahit dinedma ni Jasmine ang mga question, feel na feel ng mga reporter na totoo ang mga balita na may relasyon sila ni Sam..

Sen. Chiz walang kinalaman sa pagngalngal ni Heart

Lilinawin ko lang na walang kinalaman si Senator Chiz Escudero sa emote kahapon ng kanyang girlfriend na si Heart Evangelista.

I repeat, may kinalaman sa pamilya ang pagbuhos ng luha ni Heart. Alam ko na ang buong kuwento pero hindi ko muna ibabahagi sa inyo. Kukumpletuhin ko muna ang impormasyon para hindi bitin ang sharing in the city natin. Sharing in the city daw o!

 

Show comments