After seven months na nawala sa eksena, nagbabalik muli si Megastar Sharon Cuneta sa pamamaÂgitan ng bago niyang show sa TV5, ang Madam Chairman. Matapos salubungin ni Barangay Doña Imelda Chairman Connie Malangen at iba pang barangay officials, nakipag-usap muna si Sharon sa ilang entertainment press na naimbita para samahan siya sa hiniling niyang personal na makita kung ano ang mga ginagawa sa isang barangay dahil iyon ang role na kanyang gagampanan sa family drama/comedy na magsisimula nang mapanood sa October.
Sa pakikipag-usap sa kanya, sinagot ni Sharon ang ilang issues na hindi niya nasagot noon dahil madalas siyang out of the country, doing shows kasabay ang bakasyon.
Sa issue na iniyakan daw niya ang pagkawala ng talk show niya sa TV5: “Hindi ko naman iniyakan. Nag-isip-isip lang ako. Tinanong ko ang sarili ko kung ano naging problema kaya ito nawala. Siguro, parang movies din iyon, kung gusto ng mga tao ang story, panonoorin nila. Kung hindi naman kumita let’s move on, gumawa ng iba.â€
Nilinaw din ni Sharon ang balitang iniwan ng anak na si KC Concepcion ang unit nito sa Serendra (hindi iyong nagkaroon ng explosion) dahil natakot ito sa nangyari. Siya raw ang nag-worry, nasa States siya noon, pinalipat lamang muna niya sa condomiÂnium unit niya si KC pero ngayon ay nakabalik na rin muli sa sarili nitong unit ang anak.
First time na gagawa ng isang dramedy si Sharon na mapapanood for 10 weeks, hanggang Christmas. Noong una, nagbiro pa siya nang sabihing chairman siya, kung tulad daw siya ng chairman na ina ni Dao Ming Su sa Meteor Garden? Pero naging interesado siya nang malamang barangay chairman ang role niya na lulutas ng mga problema ng kanyang barangay.
May cut-off din ang taping niya, kasabay ni Direk Joel. Okay daw lamang kung maaga silang mag-start ng taping dahil maaga siyang gumigising dahil pare-parehong maaga ang pasok sa school ng mga anak na sina Frankie, Miel, at Miguel.
May three years pang natitira sa contract niya si Sharon at tatapusin niya ito now na under na siya ni Wilma Galvante who will head the entertainment department ng TV5.