MANILA, Philippines - Si Ma’am Wilma Galvante na ang namamahala sa bagong show ni Sharon Cuneta sa unang series niya sa tanang buhay niya na Madam Chairman. Malaking factor sa pagtanggap niya ng bagong show sa TV5 ang presence ni Joel LamaÂngan bilang diÂrektor, Joey Reyes na siyang writer ng series, at mga kaibigan sa cast na sina Manny Castañeda at Fanny Serrano.
Unang inakala niya ay chairman of the board ng isang kumpanya ang role niya. Nang sabihin ni Ma’am Wilma na isang barangay chairman ang gagampanan niya, umikot na ang creativity ni Shawie sa kung ano ang magaganap sa series.
“It’s such a family drama na because of the situaÂtions, lots of dialogues, malaki ’yung puso pero may katatawanan din. But it’s not really a comeÂdy. It’s fun eh,†pahayag ni Shawie nang makausap ng press.
Personal na kinausap ni Sharon ang barangay chairman ng Barangay Imelda sa Quezon City na si Connie Malangen upang lalong malaman kung ano pa ang obligasyon ng isang chairman.
Bukod sa bagong TV series, gusto rin ni Sharon na lumabas sa isang indie movie. Isa nga rin sa balak niya ay ang mag-imbita ng mga nagsusulat ng bagong scripts at ang una niyang magugustuhan ay bibigyan niya ng cash prize na P250,000. Sa nais magbigay ng script, mag-e-mail sa megascripts2013@gmail.com.
Ogie umaming nakipag-usap kay MVP
Very Lovi Poe ang drama ni Ogie Alcasid sa status ng kontrata niya sa TV5. Last June 30 nag-end ang kontrata niya sa GMA 7 at hindi muna siya nagtatrabaho sa Kapuso hanggang wala pa siyang clear na kontratang pipirmahan kung sakaling magri-renew siya sa Channel 7.
Standard ang sagot ni Ogie: “I will know from my manager, Leo Dominguez, kung saan ako pipirma. Hahaha!â€
Although inuuna ni Ogie ang silver anniversary concert niyang I Write the Songs sa Aug. 18 sa Arena ng Mall of Asia, in between ng rehearsals at promotions ay ongoing din ang negosasyon ng TV career niya.
“May be in a few weeks or in the coming days, malalaman na ninyo. But as of now, wala pa akong kontratang pinipirmahan,†paliwanag ni Ogie.
Sa totoo lang, sobra pa ang 25 artists na guests ni Ogie sa malaking concert niya. Hahaluan niya siyempre ng comedy ito lalo na’t present guest din si Michael V.
Wala nga lang pa silang media partner pero isa sa sponsors ang PLDT na may konek si MVP ng TV5. Wala pa rin siyang mai-commit na network kung saan ilalabas ang concert niya.
“I’ve known MVP for many, many years,†saad ni Ogie.
Huli silang nagkita ng business mogul nung birthday nito last Sunday. May talks bang naganap?
“Meron naman. Sabi niya, kung kakanta siya sa concert ko. Hahaha!
Tinatanong mo ’yung dealing ko sa contract ko? Si Leo kasi ang nakikipag-usap. Hahaha!†tugon niya na umiwas uli sa issue.