Sinundo ni Richard Sarah Lahbati bumalik ng PH, nagbayad ng piyansa
MANILA, Philippines - Hinarap na ni Sarah Lahbati ang mga naisampang kaso sa kanya ng kanyang home network na GMA 7. Dumating na kasi sa bansa nung Huwebes ng gabi (July 11) galing sa Switzerland ang aktres kasama ang actor boyfriend na si Richard Gutierrez.
Walang naibigay na impormasyon ang Starstruck alumna pero nagpahayag siya ng pagsang-ayon sa pagÂharap sa mga kaso na inihain ni GMA Films president Atty. Annette Gozon-Abrogar. Nakapagpiyansa na rin si Sarah ng halagang P10,000 nang humarap sa Makati Regional Trial Court kahapon.
Bukod sa mga kaso, kabilang na ang libelo, inaasahan din ang pagsagot ni Sarah sa mga naglabasang isyu na siya ay nagbuntis kaya rin umalis ng Pilipinas.
- Latest