Sobrang honored and proud si Lovi Poe sa pagbibigay sa kanya ng titulong Primera Aktresa ng GMA 7. Aniya, nang una nga raw sinabi sa kanya ’yun sa meeting ay nagulat siya at sobrang thankful talaga.
“I was really surprised,†sabi niya sa pocket presscon kahapon para sa bago niyang serye na Akin Pa Rin ang Bukas. “Naiiyak nga ako because I can’t believe na nangyayari ito sa akin ngayon.
“Sabi ko nga, may mga bagay na nabibigay sa ’yo na nahihiya kang tanggapin. Nung nangyari ’yun, parang na-feel ko, ‘Ano bang ginawa kong tama?’†she said na natatawa.
Pero aniya, sa pagbibigay sa kanya ng titulong ito ay lalo pa siyang na-inspire to do good at lalo siyang ginanahang magtrabaho.
Sa bagong serye niya sa Siyete ay si Lovi talaga ang masasabing pinaka-bida pero naging humble pa rin siya at say niya, marami naman sila – Solenn Heussaff, Charee Pineda, Rocco Nacino, Helen Gamboa, Cesar Montano, Alessandra de Rossi, among others.
Aminado siyang nape-pressure siya pero aniya ay ibibigay niya talaga ang lahat ng best niya sa proyektong ito.
Bukod sa bagong serye ay may kasali rin siyang movie sa Cinemalaya Independent Film Festival with Paulo Avelino, entitled Sana Dati, at nang biruin nga siya na may tsansang matalo niya si Vilma Santos as best actress dahil may entry rin ang Star For All Seasons, ang Ekstra, at sambit ng young actress, “Imposible!â€
Team ng Cofradia naduwag sa mga babatikos
Hindi na Cofradia ang launching vehicle ni Julia Barretto sa ABS-CBN kundi Mira Bella na. Nagkaroon na ito ng story conference last Thursday na dinaluhan ng isang selected entertainment press at sa opening remark ni Biboy Arboleda (head ng AdProm ng Dreamscape unit), ipinaliwag niya kung bakit kinailangang ma-shelve ang naunang proyekto at palitan nila ng bago.
“Nakikinig po ang Dreamscape at ABS-CBN sa mga Kapamilya and even sa mga hindi Kapamilya na televiewers.
“Nang i-declare namin that Julia will take Cofradia, apparently there are a few people and a few groups na, feeling nila, it is racist because it tackles the item of skin color.
“So, napagmitingan namin at napag-usapan na bakit namin isusugal at iri-risk ang launching vehicle ni Julia Barretto sa isang teleserye na puwedeng barilin, i-armalite, i-machine gun ng kung anu-ano pang batikos.
“’Di ba nakaka-stress ’yun at nakakalusaw ng freshness?†pagbibiro pa ni Biboy.
Kaya kahit pag-aari pa ng ABS-CBN ang Cofradia ay kailangan nila itong itigil.
Matatandaang ang kuwento ng Cofradia ay tungkol sa isang dalagang maitim pero pumuputi at gumaganda dahil sa tulong ng mahiwagang kandila. Ito ay classic movie noon ni Gloria Romero at ni-remake na rin ni Gina Alajar.
This time ang Mira Bella, na palit sa Cofradia, ayon kay Biboy ay isang orihinal na kuwento na tatalakay din sa family and young love. May elemento raw ito ng drama, romance, fantasy, and mythology.
After the storycon ay hinarap na sa press si Julia at ang dalawang leading men niya na napili ng management – sina Diego Lozaga at Kiko Estrada.
Asked kung paano napili ang dalawang leading men, si Kiko raw ay nagkaroon na ng screen test with Julia at nakita ng management na maganda ang chemistry ng dalawa. Si Diego naman, being original Kapamilya talent talaga na nagbakasyon lang sandali at tinapos ang pag-aaral, nang bumalik ay sinubukan nilang i-partner kay Julia sa Wansapanataym at naging maganda rin ang feedback.