Maraming artista nabiktima Empleyado ng isang network under investigation dahil sa bIntang na pangungupit

Under investigation ang empleyado ng isang TV network na pinagduduhan na nangupit ng mga kada­tungan ng mga artista. Nag­reklamo kasi ang mga artista na malaki ang datung na kinakaltas sa kanila ng empleyado. Nagtiwala raw sila noong una dahil maayos na kausap ang suspect pero nang tumagal, umiral ang kanilang duda dahil sa mga datung na na-getlak ng tao na pinagtiwalaan nila.

Sikreto dapat ang imbestigasyon pero marami na ang nakakaalam dahil sa mga tao na tinatanong ng mga imbestigador at puwedeng makapagbigay ng mga impormasyon.

Hindi  maiwasan na nagkausap ang mga witness kaya lumitaw ang katotohanan na may  nagaganap na imbestigasyon at posibleng sampahan ng kaso ang suspect.

Madam Auring nagparamdam na naman

Ang magkakapatid na Harlene at Hero Bautista ang mga producer ng Burgos. Sila rin ang producer ng Raketeros, ang comeback movie ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

May special participation sa Raketeros si Ma­dame Auring na nakakaloka dahil hindi pa sho­wing ang pelikula, nagpo-promote na siya. Sinusuk­lian siguro ni Madame Auring ang kabutihan sa kanya ni Herbert dahil malaki ang naitulong nito nang ma-confine noon sa ospital ang kontrobersiyal na manghuhula.

Malakas na malakas na uli si Madame Auring. Parang hindi siya nagkasakit dahil ipinaparamdam niya uli sa showbiz ang kanyang presence. Na alive and kicking pa siya!

Nagpapasalamat naman kay Joel Lamangan ang Bautista siblings dahil sa magandang pagkakagawa sa Burgos ng award-winning director. Why not eh forte ni Joel ang mga pelikula na may kinalaman sa pulitika?

Ang dami-daming karanasan ni Joel noong panahon ng Martial Law kaya marami siyang alam tungkol sa mga pang-aabuso ng militar sa mga sibilyan at mga aktibista. Siya ang may idea na isalin sa pelikula ang kuwento ng pagkawala ng aktibista na si Jonas Burgos.

Natupad ang dream project ni Joel dahil pumayag si Mrs. Edita Burgos na isapelikula ang kuwento ng buhay ng kanyang pamilya.

Showbiz personality aminadong naliligaw ng landas at ayaw nang gumana ng utak

Worried ang mga kaibigan ng isang showbiz personality dahil sa alarming posts nito sa social media. Ang sabi ng showbiz personality, naliligaw siya ng landas at ayaw nang gumana ng kanyang utak.

Ang feeling ng mga kaibigan niya, dumaraan sa depression ang showbiz personality kaya kailangan nito ng professional help. Ang tanong, willing ba ang showbiz personality na mag-seek ng professional help o paninindigan niya ang kanyang sinabi na wala na siyang gana na mabuhay pa?

Show comments