Umabot ng halos isang taon bago matapos ang pelikula ni Rufa Mae Quinto na may titulong Miri: Ang Huling Henya. Rason ng sexy comedienne ay binusisi ng husto ng kanilang director na si Marlon Rivera ang naturang project para kapag ipinalabas na ito ay tunay ngang maipagmamalaki niya.
“Unang-una, Marlon Rivera ang director namin. Siya rin ang sumulat ng story kaya talagang napaka-metikuloso niya.
“Umabot kami ng almost a year kasi nga ang dami naming gustong gawin sa movie. Ang Viva Films naman full support sila sa project. Kaya kahit ano ang kailangan ni Direk Marlon ibinibigay nila.
“Nag-training pa ako rito ng martial arts. Nag-shooting practice pa ako. ’Tapos pinag-acting workshop pa ako sa PETA. First time kong ginawa lahat ’yon. Kaya maraming bago para sa akin in this movie.
“Saka si Direk Marlon nga very serious siya. Gusto niya perfect ang mga eksena namin. Ngayon lang kasi ako nakapagtrabaho sa ganyang klaseng direktor. ’Yung kahit comedy lang ang movie namin serÂyoso siya. Gusto niya maayos lahat,†pahayag ni Rufa Mae.
Ang maganda pa sa naturang project ay sinasama ang komedyana tuwing pag-uusapan ang mga eksena sa pelikula. Hindi nga mapigilan ni Rufa Mae na ikumpara ang pag-shoot niya ng Henya sa pag-shoot ng pelikula niyang Booba at Super B.
Sa mga solo movie niyang iyon, taga-sunod lang daw si Rufa Mae noon sa kanyang direktor at wala siyang nagiging input.
“Sunod lang ako nang sunod kay Direk Joyce Bernal noon. Hindi naman ako matanong pa kasi noon. Basta sinabi sa akin ni Direk Joyce ay gagawin ko. Kasi nga malaki naman ang tiwala ko kay Direk Joyce.
“In fairness naman, todo-todong pagpapatawa naman ang ginawa ko at kumita naman ang mga pelikulang ginawa namin.
“Ngayon iba kasi si Direk Marlon. Gusto niya na komportable rin ako sa ipapagawa niya. Siya pa rin naman ang masusunod pero nandun ’yung kagustuhan niyang maging okay din sa akin ang mga eksena.
“Kaya, alam mo ’yun, ang sarap na may ganyan kang director na katrabaho for a change? Hindi lang tingin sa ’yo ay komedyante kundi tingin sa ’yo ay isang artista na kailangang alagaan,†ngiti pa niya.
1 Sa August na ipapalabas ang bagong pelikulang ito ni Rufa Mae.
Kristoffer nakakuha ng honorable mention sa filmfest sa Long Island sa NY
Ang teen actor na si Kristoffer Martin ay tinanghal na honorable mention para sa best supporting actor category sa 16th Long Island International Film Expo (New York, USA) para sa kanyang hindi matatawarang pagganap sa pelikulang Oros.
Kinabibilangan ng higit sa 150 short at feature-length independent films mula sa iba’t ibang bansa sa mundo ang nasabing festival.
Hindi makapaniwala si Kristoffer sa pagkilalang kanyang natanggap mula sa bumubuo ng Long Island International Film Expo.
Pormal na igagawad ang mga parangal sa July 19.
Samantala, patuloy pa ring sundan si Kristoffer Martin sa GMA Afternoon Prime series na Kakambal ni Eliana na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Maghihintay Pa Rin.
Michael Jackson hinahabol pa rin ng isang nagrereklamong minolestya kahit apat na taon nang patay!
Kahit na apat na taon nang sumakabilang-buhay na ang King of Pop na si Michael Jackson, hindi pa rin ito tinatantanan ng kaliwa’t kanan na mga konÂtrobersiya, lalo na ang tungkol sa diumanong pagÂmolestya niya sa mga batang lalaki.
Ito ang habol ng ilang minolestya raw ni Jackson dahil bukod sa hustisya ay hiling nila ang karampatang damages na manggagaling sa estate ni Jackson na ngayon ay dinidinig sa husgado.
Sa latest na confession ng isang lalaki na nagngangalang Wade Robson, pitong taon daw siyang sexually abused ni Jackson simula noong 1990.
Sa kuwento nga ni Robson, nag-install pa raw si Jackson ng isang alarm para magkaroon ng warning sa kung sinuman ang papunta sa bedroom nito.
Nag-file na ng complaint si Robson laban sa estate ni Jackson at nag-file rin ito ng claim for damages dahil biktima diumano siya ng sexual abuse ng yumaong King of Pop.