Tinawagan ako kahapon ni Christopher de Leon sa cell phone kaya naikuwento sa kanya na nagustuhan ko ang Misibis Bay, ang teleserye ng TV5 na nagsimula noong Lunes.
In fairness to me, hindi ako nabagot sa panonood ng Misibis Bay dahil mabilis ang mga eksena at hindi makaÂluma ang mga dialogue ng mga artista.
Sinabi ko kay Boyet na nagustuhan ko ang Misibis Bay. Hindi ako inantok habang nanonood at type ko ang kanyang exposure sa bagong teÂleserye ng Kapatid Network.
Nag-text nga ako sa TV5 executive na si Perci Intalan. Ipinarating ko sa kanya na maganda ang Misibis Bay at bongga ang shots ng direktor na si Monti Parungao. Talagang maeengganyo ang televiewers na panoorin ang ipinagmamalaking teleserye ng TV5.
Gladys executive producer na, bigating stars kayang-kaya na imbitahin
Executive producer na si Gladys Reyes dahil siya ang EP ng bagong season ng Moments, ang kanyang Saturday night show sa Net25.
Excited at maraming kuwento si Gladys tungkol sa bagong raket niya bilang EP ng Moments dahil sa kanyang mga natututunan.
Hindi basta EP si Gladys dahil nakikiaslam siya sa weekly topic ng kanyang show. Tumutulong siya sa pag-iimbita ng mga bisita kaya puro big stars ang mga guest niya.
Ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang mga bisita ni Gladys sa Moments sa darating na Sabado, July 6. May part two ang kanilang guesting sa July 13 dahil bitin ang isang episode, sa rami ng mga rebelasÂyon ng magdyowa.
Umapir ako kahapon sa presscon ng Moments sa isang bagong hotel sa Quezon City.
Hindi ko puwedeng ma-miss ang presscon ng Moments dahil sa giveaways, courtesy of Gladys.
Alam n’yo naman na kaligayahan ko na ang mag-take home ng mga produkto na ipinamimigay sa mga presscon pero hindi ko nagagamit dahil ibinibigay ko naman sa aking mga maid of honor.
Nagtaka si Gladys dahil nag-stay ako ng matagal sa presscon ng Moments. Why not eh happy ako sa freebies na ipinamigay niya?
Nalibang din ako sa mga pinagsasabi ni Gladys na kilometro ang haba ng sagot sa mga tanong sa kanya ng mga reporter. Bagay na bagay na host ng Moments si Gladys dahil hindi ito nauubusan ng mga sinasabi at wala siyang kapaguran sa pagsasalita. Sa true lang, ako ang napagod sa pakikinig sa kanya. Mabuti na lang, may sense ang kanyang mga litanya.
Mapapanood ang Moments tuwing Sabado, 7 to 8 p.m., at may replay ito tuwing Linggo ng 2:00 p.m.
Umapir na sa Moments sina Martin Nievera, Lorna Tolentino, Celia RodÂriguez, Kris Aquino, former First Lady Imelda Marcos, at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Toto VillaÂreal.
Na-interbyu na rin niya ang mag-asawang Sen. Bong Revilla, Jr. at Congressman Lani Mercado at si Senator Grace Poe-Llamanzares at ang mister nito na si Neil Llamanzares.
Proud na proud si Gladys sa tsikahan portion nila ng kanyang mga bisita dahil maraming mga bagong pasabog ang mga nasabing personalidad.