Hindi lang pala financier sa pelikula ang problema JM kinokontrang gumanap na santo dahil sa bisyo?!
Madali namang palitan ang gaganap ng title role sa San Pedro Calungsod: Batang Martir kung totoo ang mga tsismis tungkol kay JM de Guzman. Hindi lang natin alam kung bawal ito sa mga rule ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
Tiyak na hindi naman paghahanda sa papel ng isang santo ang mga kumakalat na paninira kay JM. Say ng mga chika, lalong lumalala ang alleged bisyo niya. Kailangang dalhin na sa rehab!
Mukhang maraming galit sa young actor. Hindi sila sang-ayon maging santo si JM, kahit sa pelikula lang.
Higit na malaking problema ito sa kakulangan ng financier para magawa ang official entry sa MMFF.
Aktor napapalibutan ng adelantadong bodyguards, nagpalapad ng papel nang kunwaring sinaway
Mukhang super sikat na ang aktor. Marami siyang bodyguards kapag nasa public. Kaya pati mga movie scribe, hirap siyang malapitan at makausap. Kulang na lang kasi salyahin ng mga maskuladong ‘‘protector’’ ng star ang mga kapatid sa hanapbuhay.
Minsan nakita ng aktor ang kabastusan ng kanyang mga bouncer, pinagalitan niya at hinayaang makalapit ang mga reporter sa kanya.
Kaya lang mukhang kulang ang bayad niya sa isa na nagbuko na drama lang ito ng artista upang lumapad ang papel sa press!
Young actress na tinitengga ng network kumukonsulta na sa mga abogado
Isang frozen delight ang young actress dahil tinanggihan niya na maging kontrabida sa isang teleserye. Hindi na siya bibigyan ng assignment ng network. Hihintayin na lang mag-expire ang contract niya na patuloy na wala siyang trabaho.
Nagtatanong na sa lawyers ang jobless actress kung maaari siyang magdemanda sa ginagawa sa kanya ng network.
Hingin mo na lang ang dapat pang balanse ng ibabayad sa iyo na stipulated sa iyong kontrata. Kapag ayaw ibigay, pumunta ka na sa korte.
Direk Brillante sasabitan ng medalya ng French embassy sa ’Pinas
Si Director Brillante Mendoza ang first Pinoy filmmaker na binigyan ng French MiÂnistry of Culture ng Chevalier Dans 1’ Orore des Artes et Letres (Knight of the Order of Arts & Letters) para sa kanyang kontribusyon sa Philippine at worldwide film industry pero ang unang pinarangalan sa ating bansa ng similar award ay ang historian na si Ambeth Ocampo.
Tatlong grade ang nasabing award – Commander, Officer, at Knight. Ang ipinagkaloob kay Ocampo ay ang pinakamataas na grado, commander. Ang kay Mendoza, chevalier or knight, na rito sa French embassy sa ating bansa ang awarding. Kasama ang isang medalya at citation sa parangal.
James sinasadyang i-display ang tisay na GF
Mukhang may gustong palabasin si James Yap sa pag-post sa Instagram photo nila ng kanyang Fil/Italian girlfriend na si Michelle Accazola.
Magkasama ang dalawa sa isang French restaurant at halos hindi magkahiwalay. Ewan kung na-appreciate nila ang sarap ng pagkain doon.
Kapag nagpakita sila in public sa ating bansa, dudumugin sila ng media. Tiyak namang magagawa ito ng basketball star.
Marian panalo sa paseksihan kay Sam kahit hindi daanin sa botohan
Sana makatulong sa box-office appeal ng My Lady Boss ang panalo ni Marian Rivera bilang FHM’s Most Sexiest Woman. Tinalo niya si Sam Pinto na nag runner-up lang this year after bagging the title twice.
Wala namang pelikulang dapat i-promote si Sam kaya’t dapat lang na si Marian ang nagwagi. Kung talagang sa ganda lang ng katawan o paseksihan ang contest, at hindi sa balota, text, at Internet votes, deserving naman si Marian.
BF ni Anne nagsalita na sa insecurity
Erwan Heussaff insists that he is never insecure kahit sikat na sikat ang girlfriend niyang si Anne Curtis. Nakakatulong ng malaki na magkaibang daigdig ang kanilang ginagalawan.
Kahit madalas silang mawalay sa isa’t isa, kapag nasa malalayong lugar ang trabaho ni Anne, higit na nadadagdagan ang tiwala sa kanilang relasyon.
Habang tumatatag ang kanilang samahan, lalo namang lumalayo sa kanilang isipan ang pagpapakasal.
- Latest