Paglilinis ni Erap sa buong kamaynilaan inaabangan na

Congrats kina Manila Mayor Joseph Estrada at Manila Vice Mayor Isko Moreno sa kanilang oath-taking ceremonies kahapon sa Manila City Hall na dinagsa ng kanilang mga supporter.

In full force ang pamilya ni Papa Erap sa kanyang oath-taking. Sama-sama sila na kumain sa Manila Hotel pagkatapos ng inaugural ceremonies.

Ngayon ang unang araw ni Papa Erap sa opisina pati na ang ibang mga bagong halal na public ser­vant. Umaasa ang kanilang constituents na malaki ang pagbabago na magagagawa nila sa pagpapaunlad ng ating bayan. Excited na ang mga Manileño, pati ako, sa mga magaganap na paglilinis ni Papa Erap sa buong Kamaynilaan.

Dibdib ni Ritz parang papaya

Virgin Bombshell na pala ang bagong tawag kay Ritz Azul dahil wala pa siyang karanasan sa kamunduhan pero nagpapa-sexy na siya.

Medyo nalito ang fans ni Ritz sa bagong bansag sa kanya ng TV5 dahil nang mag-pose siya noon sa FHM, Papaya Queen ang tawag sa star ng Misibis Bay.

Huwag n’yo nang itanong ang pinagmulan ng Papaya Queen title. Look na lang kayo sa dibdib ni Ritz na nagpaseksi sa Misibis Bay. Walang takot na nag-lap dance si Ritz at si Christopher de Leon lang naman ang sinayawan niya.

Nangyayari sa tunay na buhay ang kuwento ng Misibis Bay. May kilala ako na nagtrabaho bilang lap dancer sa isang sikat na club, yumaman, at naghirap dahil lumobo ang ulo. Hindi ko na sasabihin ang kanyang name dahil baka sumikat pa uli ang hitad. Tama na ’yung pinagbabayaran niya ngayon ang kanyang mga kamalditahan.

Tonight ang pilot telecast ng Misibis Bay na mabilis ang pacing kaya tiyak na magugustuhan ng televiewers na ayaw sa mga mababagal na teleserye.

Ginastusan ng TV5 ang Misibis Bay dahil inilipad nila sa Albay ang buong cast at production crew ng kanilang bagong teleserye.

Umarkila ng helicopter ang TV5 dahil kailangan sa eksena. Hindi sila nagdalawang-isip na gastusan ang short scene na nagpakita kay Ritz na nakasakay sa helicopter habang papunta sa Misibis Bay.

Nag-enjoy ang cast at crew ng Misibis Bay sa taping nila sa Misibis Bay Resort. Business with pleasure ang kanilang drama dahil bukod sa bakasyon grande, kumita pa sila ng limpak-limpak na kadatungan.            

Richard mabilis pumayat

Nag-guest kahapon si Richard Gutierrez sa Sunday All Stars dahil nag-promote siya ng My Lady Boss, ang pelikula nila ni Marian Rivera na showing sa mga sinehan sa July 3.

Napansin ko na mabilis na pumayat si Richard, pagkatapos ng ilang linggo na pagbabakasyon niya sa Switzerland.

May disiplina si Richard dahil kapag sinabi nito na magpapapayat siya, sineseryoso niya. Alam ni Richard na obligasyon ng mga artista na maging guwapo at physically fit sa paningin ng kanilang mga tagahanga.                         

Aktor na lumobo ang katawan missing in action

Missing in action ang aktor na lumobo ng todo ang katawan. Nagpapapayat na siguro ang aktor dahil alam nito na hindi siya mabibigyan ng project ng kanyang mother studio hangga’t chubby siya.

Panahon na para humingi kay Richard Gutierrez ng pointers ang aktor. May gym si Richard na puwedeng puntahan ng aktor. Matutulungan siya ng mga gym instructor ni Richard para bumalik sa dati ang kanyang katawan.

Show comments