Please, huwag ninyong ihilera sa mga tiboling sina Aiza Seguerra at Charice Pempengco, si Yeng Constantino.
Noon kasing unang sumulpot sa eksena si Yeng, medyo tomboyish ang mannerisms. Napagkamalan tuloy na tibo!
Sa litratong nakita natin na bagong Yeng, mahaba at iba ang kulay ng buhok. Girl na girl ang kanyang hitsura at may pinagmamalaking boyfriend na. Masaya at maganda ang paligid para kay Yeng ngayon.
Sa piling ng kanyang boyfriend na mukhang foreigner, higit siyang makapagsusulat ng magagandang kanta.
Tumangging magbigay ng detalye si Yeng tungkol sa kanyang first boyfriend. Ang sabi nila, isa rin siyang Pinoy, si Yan Asuncion, lead vocalist ng bandang Indios.
Aktor sumuko na lang sa panliligaw sa sexy starlet dahil sa ‘boss’ na umaaligid pa rin
Biglang tumigil ang isang poging aktor sa panliligaw sa sexy starlet. Bukod kasi sa wala siyang aasahan, may nagbulong pa sa artista na magagalit si ‘‘Boss’’ kapag nagtuloy ang pag-aligid sa aktres.
Paniwala ng mga insider, ongoing pa rin ang relasyon ng starlet with the influential personality. Hindi naman pinapansin ng aktres ang mga ganitong usapan. Very busy siya sa kanyang career.
Ang aktor naman, kasalukuyang naghahahap ng puwede niyang pagbaliÂngan ng kanyang atensiyon.
Kanta ni Joey Ayala mas nailapit sa masa
Marami ang pumupuri sa napiling 12 kantang finalist sa PhilPop 2013. Sabi ng mga unang nakarinig, pawang mga radio-friendly ang bumubuo sa richest Philippine Popular Music Festival (PhilPop) now on its second year.
Bago pa lang ang nationwide contest sa paghahanap ng mga awiting kagigiliwan ng balana pero malaki na ang inusad nila. This year, higit na deserving manalo ng milyones na bigay ng Manuel V. Pangilinan Foundation na siyang tumatangkilik sa paligsahan.
Nagulat nga kami na pati si Joey Ayala, na malapit nang maging senior citizen at ethnic ang tipo ng mga kanta, nakasali ang kanyang awit na Papel sa 12 finalists.
Sa mga nakarinig na ng Papel, higit na accessible sa young audience ang kanta na ginamitan ng ibang istilo ni Ayala.
Lumabas na ang commemorative album ng PhilPop 2013 kaya malinaw naÂting maririnig kung totoo ang sinasabi ng mga kritiko at mga pralala.
Mga bagong direktor na mahilig mangbulyaw malayo sa pagiging cool ni Eddie Romero
Noong kabataan namin ay kinunan ang mahahalagang tagpo ng Manila Open City, mismo sa kalyeng nandoon ang bahay namin. Kaya sa maghapon na walang pasok sa eskwela ay nanonood kami ng shooting with National Artist for Film Eddie Romero directing.
Humanga kami sa style niya ng paggawa ng pelikula. Very cool si Mr. Romero at mukhang kasundo lahat ng mga artista at ilang tauhan sa project. Sa tuwing nakakapanood kami ng mga direktor na binubulyawan ang mga lead star sa shooting ngayon, naalala namin ang National Artist.
Pati ang mga big scene niya, well mounted and organized. Alam niya ang tamang blocking kahit maraming bitplayers sa isang tagpo. Bakit si Eddie Romero hindi naman sigaw nang sigaw sa set lumabas na maganda at masarap panoorin ang mga obra?
Kaya ang mga movie insider hindi na nagulat nang mahirang siyang National Artist For Film. Ibig bang sabihin nito mahirap maging National Artist ang mapaggawa ng eksena sa movie set?
Kapatid ni Carlos Agassi nawala rin ang tsansa sa music industry
Sa tuwing nakakabasa kami ng kung ano ang latest kay Carlos ‘‘Amir’’ Agassi, agad naming naaalala ang kanyang youngest brother na si Aaron. Very talented ang singer/composer na nakapag-record sa bansa ng isang album.
Maraming magagandang kanta sa CD na puwedeng maging hit single. Kaya lang hindi na-promote ang album ni Aaron. Hindi tuloy napansin ng music buÂyers.
Higit pa naman sanang good-looking si Aaron kay Amir kaya puwedeng maging singing idol. Ang balita namin, bumalik na sa States ang singer at doon na nagtatrabaho. Mayaman naman ang pamilya nila, may saÂriling resort sa Los Baños, Laguna. Silang tatlong magkakapatid na pawang mga lalaki ay masisipag naman at alam kung paano kikita ng malaki.