Produ ng isa sa mga pelikulang kasali sa filmfest, hindi na umaasa sa No. 1

MANILA, Philippines - Hindi umaasa ang producers ng isa sa entries sa filmfest na magiging isa sa top grossers ang movie nila kahit may nagsasabi sa kanyang may potensiyal ito sa takilya.

Mas feel ng produ na manalo ng awards ang kanilang project dahil maganda ang kuwento nito. Nakahanda naman silang gumastos sa project dahil brainchild talaga ito.

Of course, pambata ang madalas na pumapatok sa festival. Lamang na riyan ang pang-general patronage mo­vies. Pero bigyan nila ng bagong touch ang project nila dahil nakasalalay din sa mga kikitain ng entries ang ibibigay sa beneficiaries ng festival, huh!

Manager feeling kailangan ang alagang artista na ubod ng suplado

Nangungulit ang isang manager sa isang taong malapit sa ma­­king artista upang pagbigyan ang kahilingan na mag-guest ang huli sa isang show.

Eh tigas naman ang katatanggi ng taong malapit sa sikat na artista dahil kilala niya ang pagiging suplado nito. Kulit pa ng manager, basta kailangan ng artista ang kanyang alaga eh hindi niya ito ipagkakait.

Sa loob-loob nang malapit sa aktor, feeling ng manager ay sikat na sikat na ang alaga upang kailanganin ng artista, huh!

Kilalang celebrity ambisyoso ang pamilya, mas mahal at malaking bahay pa ang gustong tirahan

Naawa ang malalapit sa kilalang celebrity dahil pasa­nin nito ang kanyang pamilya. Kung may dumarating na biyaya ang celebrity, iniuungot din niya ang mga kapatid na dapat ay kasama sa benepisyong tinatamasa niya.

Eh lumabas pa ang pagiging ambisyosa ng pamilya sa pamimili ng bahay para sa kanila. Mas gusto niya ’yung mas mahal samantalang puwede na ’yung mas maliit na bahay at sa mas murang halaga!

Eh tanging ang celebrity lang ang kumakayod sa pamilya dahil maliliit pa ang mga kapatid nito at jobless ang fadir, huh!

Female celeb wala nang pakialam kahit isnab-isnabin

Hindi na dinamdam ng isang kilalang showbiz personality ang kawalan ng respeto sa kanya ng isang sikat na female celeb.

Hindi na na-hurt ang personalidad kahit hindi siya binati ng female celeb sa isang lugar na kinaroroonan nilang dalawa.

Batid na marahil ng female celeb na malapit ang showbiz perso­nality sa isang taong naging malapit din sa kanya. Kaya kesa maisnab, hindi na lang nag-effort ang female celeb na lapitan ang taong ’yon.

Show comments