Ready na raw si Janelle Manahan na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career pagkatapos nang mga naganap na trahedya sa kanyang buhay.
Ito ang paraan ni Janelle to move forward dahil hindi raw habang buhay ay mananatili siyang takot.
“I want to build a new life for myself. For the past two years, I was living this life na nagtatago sa mga tao. Ayoko na ng ganun.
“I want to move on with my life. Kahit na alam kong mahirap at medyo nandoon pa ang takot, I need to be brave in order to have the life that I deserve,†sey pa ni Janelle nang maging guest nga siya sa The Jon Santos Show ng Viva Channel.
Nagtatrabaho ngayon sa isang real estate company si Janelle at maganda naman daw ang katayuan niya roon.
Naging priority nga rin niya ang kanyang trabaho dahil iyon ang simula ng kanyang pagiging independent ulit.
“I need to be with other people. Gusto ko ‘yung nakikipag-interact ako with different people. ‘Yun ang nature ng work ko ngayon.
“Of course may mga nakakilala sa akin. Nakakatulong iyon sa work ko.
“I don’t mind kung makilala man nila ako because of what happened. ‘Yun naman ang nangyari, eh. That is what I have to face every day,†sey niya.
Noong mangyari ang malagim na trahedya noong October 2011 sa buhay ni Janelle na siyang kinasawi ng kanyang boyfriend na si Ramgen Revilla, matagal ding hindi siya pinayagan na lumabas at makipagsalamuha sa ibang tao.
“Siguro eight months din ‘yun na hindi ako puwedeng makipag-communicate with other people. Not unless it’s my family or the lawyers.
“It took me almost a year to adjust to that kasi hindi ako sanay na walang kausap, eh. Masayahin akong tao and I love going out.
“But because of what happened, kailangan maprotektahan ako. Naintindihan ko naman iyon.
“Buhay ko na ang importante. I was just lucky to have survived kaya kailangan pahalagahan ko ang panibagong buhay na binigay ni Lord sa atin.
“Now, that two years had passed, gusto ko naman na maiba na lahat.
“I want to show them na kaya ko na—hindi na ako natatakot.
“Kung meron mang mga nagsasabi sa akin ng hindi maganda, okey lang. Pinagdarasal ko na lang sila,†diin pa niya.
Nabanggit din ni Janelle na may inspirasyon daw siya ngayon. Pero hindi na niya binanggit ang pangalan nito dahil pribadong tao raw ito.
“I can say that he helped me heal the wounds that affected me physically, emotionally and mentally.â€
Nagtatagong showbiz couple nabuking sa Man of Steel
Kahit na marami na ang nakakaalam ng tunay na relasyon ng male and female celebrity na ito, tuloy pa rin ang pag-deny nila.
Ang problema lang sa dalawang ito ay hindi nila maiwasan na makita silang magkasama sa iisang lugar. Kamakailan ay marami ang nakakita sa kanila na nanood ng pelikulang Man of Steel sa isang high-end mall.
Panay ang paliwanag nila tuwing uusisain sila na kasama raw nila ang mga non-showbiz friends kaya hindi raw date iyon. Pero kitang-kita naman na silang dalawa lang naman ang magkasama.
Wala na nga raw pakialam ang manager ng male celebrity kung mabuking man ang tunay na relasyon nito sa female celebrity.
Matagal na raw niyang pinagtakpan ang ginagawa nito at ayaw na raw niyang ma-stress dito. Kaya hands-off na siya rito.
Tsaka purely business na lang daw ang meron siya with the male celebrity at wala na siyang pakialam sa personal nitong buhay.
Kung gusto raw nitong pasinungalingan ang relasyon nila ng girlfriend niya, siya na ang bahala dahil hindi na raw ito gagawin ng ibang tao para sa kanya.
Sa part naman ng female celebrity, pinagsabihan na rin siya ng mga taong concern sa kanyang career na huwag makitang kasama ang male celebrity.
Pero hindi rin mapigilan ito kaya isa pa siya na super explain na there is nothing going on sa kanila ng male celebrity kahit na ilang beses na silang nahuling nagde-date sa kung saan-saang lugar.