^

Pang Movies

TV actress sagad ang galit sa drama actor na naghahanap ng libreng publicity

Ruel Mendoza - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pa napapatawad ng TV actress ang lalaking nagpaiyak sa kanya. Sa isang event ay nakitang inirapan ni TV actress ang drama actor noong nagtangka itong kausapin siya.

Tumayo ang TV actress at lumipat ng lamesa. Hindi na nagtaka ang mga kasama niya dahil alam nilang abot-langit ang galit nito sa drama actor.

Say ng close kay TV actress na marami raw pagkakataon na puwede siyang kausapin ng drama actor. Alam nito kung saan siya nakatira at hindi naman ito nagpapalit ng numero sa cell phone. Bakit naman kung kelan sa maraming tao at may mga TV camera pa ay doon pa naisipin nito na lapitan siya para kausapin?

“Siyempre para sa libreng publicity niya, ’di ba? Gagawin ni drama actor iyon at the expense of the TV actress kasi lalabas na siya ang underdog at kailangang suyuin pa niya ang TV actress. Na sa totoo lang, si drama actor ang may diperensiya.

“Palibhasa user siya at naging easy target niya si TV actress na madaling napaikot sa mga boladas niya,” sabi ng close friend ni TV actress.

Walang balak pang patawarin ni TV actress ang drama actor dahil nalaman niyang wala itong paninindigan at hindi man lang siya nito ipinaglaban sa ibang tao. Sa madaling salita, wala itong balls!

 

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

ALAM

BAKIT

DRAMA

GAGAWIN

PALIBHASA

SIYA

SIYEMPRE

TUMAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with