Kung kelan nagkaroon ng seryosong relasyon ang drama actress ay doon pa siya nakaranas ng maraÂming problema sa kanyang personal na buhay.
Mabuti pa noong wala siyang boyfriend, wala siyang problema. Hindi tulad ngayon na pati ang problema ng kanyang nonshowbiz BF ay kanyang dinadala.
Sobrang stressed na ang drama actress dahil sobrang insecure ang kanyang dyowa. Parati raw mainit ang ulo lalo na kapag nalalaman na may bagong trabaho or endorsement ang girlfriend.
Nagtataka ang mga kaibigan ni drama actress dahil noong hindi pa raw nagkakaroon ng relasyon ay hindi naman gano’n ang ugali nito. Naiisip na lang ni drama actress na baka overwhelmed lang ang BF niya sa relasyon nila. First time kaÂsing makarelasyon nito ang isang artista.
Alam kasi ng boyfriend na mas malaki nga ang kinikita ng girlfriend niya at pakiramdam niya ay malaking kabawasan iyon sa kanyang pagkalalaki.
Kung noon ay open ang communication ng dalaÂwa, ngayon ay halos hindi na sila nag-uusap. Ayaw nang sumama ni boyfriend sa anumang event ni drama actress dahil wala namang nakakapansin sa kanya.
Dasal ng mga kaibigan ni drama actress na huwag namang mauwi sa hiwalayan ang dalawa. Ilang taon din silang naging masaya bilang magkaibigan, ngayon pa ba sila maghihiwalay?
Ginagawa na ni drama actress ang lahat para maging maayos ang samahan nila at hindi mauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.
Karel natsa-challenge kapag complex ang role
Masuwerte si Karel Marquez dahil nakakalabas siya sa dalawang TV networks. Pareho ngang may primetime show si Karel sa GMA 7 at TV5.
Sa Kapuso Network ay kasama siya sa cast ng My Husband’s Lover kung saan gumaganap siya bilang si Evelyn, ang nakakatandang kapatid ni Lally (played by Carla Abellana) na nagrebelde sa kanilang inang si Sandy (played by Glydel Mercado).
Sa Kapatid Network naman ay kabilang siya sa cast ng Cassandra: Warrior Angel. Dito naman ay siya si Louella, ang gagamitin ng mga maligo para mabigyan siya ng kakaibang kapangyarihan para malabanan si Cassandra (played by Eula Caballero).
“I am thankful to both GMA 7 and TV5 for giÂving me work. Ilan lang yata kaming nabibigyan ng ganyang opportunity.
“Before I started naman with My Husband’s Lover, I was already in the cast of Cassandra. Wala naman naging problema dahil magkaiba naman ang role ko in both TV series.
“Saka mas earlier ang oras ng Cassandra. May audience na kasi kami na mga bata at gusto nila fantasy theme ng show.
“’Yung My Husband’s Lover kasi medÂyo late na siya because of the sensitive theme on homosexuality.
“And magkaiba naman ang taping days ko sa dalawang shows kaya walang conflict. I made sure na walang masasagasaan sa anumang shows na ginagawa ko,†sabi pa ni Karel.
Mas mabigat ang role ni Karel sa My Husband’s Lover bilang rebeldeng anak. Sa pilot episode pa lang ay pinaiyak na siya ng husto ng kanilang director na si Dominic Zapata.
“Big scene kaagad ang pinagawa sa amin ni Direk Dom. Pinaiyak ako ng husto kasi lumayas ako rito at sumama sa lalaki na nakabuntis sa akin (played by Mike Magat).
“Marami pa akong mga dramatic scene sa series and I really enjoy doing those scenes. Maybe because ma-drama talaga ang buhay ko kaya mas gusto ko ’yung mga iyakan na eksena. In fact, lahat naman ng gawin kong TV series pinaiiyak ako.
“The last one I did for GMA 7 was Yesterday’s Bride. Sa TV5, sunud-sunod ang mga nagawa ko from Babaeng Hampaslupa, Sa Ngalan ng Ina, and Isang Dakot na Luha. I am more challenged kapag very complex ang role na binibigay sa akin,†sabi ni Karel.