CEBU, Philippines - Tatalakayin ni Anthony Taberna ang isang kaso ng annulment na isinampa ng isang misis laban sa kanyang mister dahil sa pag-iwas nitong makipagsiping kahit na sampung buwan na silang kasal, ngayong Huwebes (Hunyo 20) sa Pinoy True Stories: Demandahan.
Sa episode, tunghayan ang kuwento ng bagong kasal na sina Paul at Pia. Sabik si Pia na makasama ang asawa sa unang gabi ng kanilang honeymoon
Unang beses kasi nilang magsisiping at excited ang misis na magsimula ng pamilya. Ngunit tinulugan lamang siya ni Paul nang gabing iyon kaya’t walang nangyari sa dalawa. Gayunpaman, nagsama sila ng sampung buwan pero hindi man lang sila nakapagniig kahit isang beses sa loob ng panahong iyon. Kahit isang beses din ay wala pang romansang naganap sa dalawa.
Dahil dito naghain ng annulment si Pia; psychological incapacity ng asawa ang katwirang ibinigay ni Pia para mapawalang-bisa ang kanilang kasal. Idiniin din ng misis na impotent umano si Paul at kaduda-duda ang pagkalalaki.
Mapatunayan kaya sa korte ang pagkukulang ni Paul? Masasabi bang psychological incapacity ang hindi pakikipagsiping sa pinakasalan? Napawalang-bisa kaya ang kasal nina Paul at Pia?