Nahirapang umabot ng mataas na tono? Charice iyak nang iyak habang kumakanta

Iyak nang iyak si Charice sa guesting niya kahapon sa Wowowillie ng TV5. Tulo nang tulo ang kanyang luha pagkatapos ng song number niya.

Kinanta ni Charice ang Dance with my Father. “Unexpected na suporta” ang sagot niya nang itanong ni Willie Revillame ang reason ng pag-iyak niya.

Iba naman ang akala ng televiewers. Nagmalisya sila na baka napaiyak si Charice dahil nahirapan ito na abutin ang mataas na tono ng kanyang kanta.

Puwede rin na naging emosyonal ang singer dahil na-miss niya ang kanyang tatay na namatay. Father’s Day ngayon kaya may kinalaman sa mga ama ang kanta ni Charice.

Nora isasabak sa fantaserye

May bagong teleserye si Nora Aunor sa TV5, ang The Spirit Games. Makakasama ni Nora sa teleserye ang mga finalist ng Artista Academy.

Si Mike Tuviera ang direktor ng The Spirit Games na mapapanood sa susunod na buwan. Sa title pa lang, obvious na isang fantaserye ang coming soon primetime show ng Kapatid Network.


 

Show comments