Toni ayaw nang magtanga-tangahan at magbulag-bulagan sa mga naglalabasang picture ni Direk Paul na may ibang babae

May bagong cooking show sa ABS-CBN si Toni Gonzaga, ang Kwentong Buhay, Kwentong Kusina na magsisimula na sa June 23 at mapapanood every Sunday at 9:00 a.m.

Kaya nga kinantiyawan siya ng entertainment press sa presscon kahapon na lahat na raw ay pinasok niya — hosting, singing, acting, at ngayon pati cooking pa.

“Hindi naman. Ano lang siguro, ganun naman ang buhay ng isang artista. Pana-panahon talaga na minsan nagkakapatung-patong ang proyekto. Minsan naman, madalang. Ngayon lang siguro nagkasabay-sabay. We started early this year at ngayong June lang ipalalabas, so, nagkataon na sumabay sa The Voice (of the Philip­pines),” paliwanag ni Toni sa presscon kahapon ng Kwentong Buhay, Kwentong Kusina.

Mistula tuloy may Sunday special si Toni dahil apat na beses siyang mapapanood tuwing Linggo – morning (Kwentong Buhay, Kwentong Kusina), noontime (ASAP), afternoon (The Buzz), at primetime (The Voice). Bongga, ’di ba naman?

 â€œGanun po talaga kasi buong linggo n’yo naman akong hindi nakita. Sagarin n’yo na lang. Wala akong daily ngayon so, sinagad na namin ng Sunday,” reaksiyon niya.

Bukod dito ay may pelikula rin siyang malapit nang ipalabas, ang Four Sisters and a Wedding, with Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina Magdayao, and Enchong Dee.

 â€œSo, alam n’yo na po kung bakit wala akong boses,” nagbibiro niyang sabi.

Anyway, bago pa man siya nakuha for this show ay mahilig na talagang magluto si Toni. In fact, na-enroll pa siya ng boyfriend niyang si Direk Paul Soriano ng cooking crash course last year sa Center for Culinary Arts dahil mahilig nga siyang magluto.

Asked kung ang pagkahilig ba niyang magluto ay preparasyon na para sa nalalapit niyang pag-aasawa, sagot niya, “’Yun nga laging sinasabi sa akin, ’pag nag-aaral na raw magluto ang babae, papaasawa na raw. Eh baka. Hindi ko alam. Baka.”

Pero maganda rin naman daw talaga na marunong magluto ang isang maybahay kung saka-sakali.

 â€œKasi mahirap naman ’yung mag-i-start ka ng isang pamilya ’tapos hindi mo naman kayang alaagan ang pamilya mo. Part of taking care of your family is cooking for them. Pakainin mo sila at busugin din ng pagmamahal sa kusina,” dagdag pa ng Multi-Media Queen.

Bagama’t hindi pa masabi talaga ni Toni kung kelan ba sila lalagay sa tahimik, inamin ng TV host-actress na naiinip na talaga si Direk Paul.

Sabi niya, “May times na talagang naiinip na siya, hindi na rin naman ako magsisinungaling, inip na inip na rin naman siya.

 â€œPero dahil nga med­yo nagkakapatung-patong talaga ang trabaho and as a contract artist ng ABS-CBN, there are some stipulations sa contract, so, tinatapos ko ’yun.”

Napipigilan ba ang pagpo-propose? Paano kung mag-propose na ang boyfriend?

“Go! Walang problema. Sasabihin ko naman sa inyo ’pag nag-propose. Ang pag-aasawa naman, darating na lang ’yan — may kontrata o wala,” she said.

Samantala, may mga naglabasan na namang pictures lately si Direk Paul na may kasamang ibang babae at hindi na nagulat dito si Toni.

“Lagi namang may pictures na ganyan. Lagi-lagi it’s either lumang pictures before na hindi pa kami magkakilala. Tumo-Throwback Thursday and Flashback Friday din sila (laughter). ’Yung iba (na girls), kakilala ko. ’Yung iba mga kaklase niya, mga kasama niya before, or ’yung iba kuha from Christmas parties.

“Ako, dumating na ako sa point na I don’t wanna defend the pictures anymore. I don’t wanna say anything about the pictures anymore because it will just sound na parang ipinagtatanggol ko siya at iisipin ng iba, bulag-bulagan, tanga-tangahan.

“So, kung ano na lang ang makita ninyo sa litrato, husgahan n’yo na siya hanggang gusto n’yo siyang husgahan. Pagpiyestahan n’yo na lang siya hanggang gusto n’yo siyang pagpiyestahan. Ang importante naman, nakarating na ako ng six years (sa relasyon). Kampante na ako. Tahimik na ang kalooban ko. May peace of mind na ako,” seryosong pahayag ni Toni.

 

Show comments