^

Pang Movies

Young actor na kinapos sa pambayad sa kotse sinalo ng kanlungan ni rich beki!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Malakas ang loob na kumuha ng drop-drop na brand-new car ang isang young actor. Akala niya kasi ay tuluy-tuloy ang income niya sa isang network. Nag-panic siya nang biglang pinatay ang kanyang character sa show.

Very helpful naman ang kanyang beking ta­lent manager. Isinoga agad ang artista sa rich gay na tila buwayang matagal nang gustong sagpangin ang pogi. Buti na lang at naging magulang ang aktor. Pinabayaran niya muna ang lahat ng balance sa ’di pa bayad na sasakyan bago niya sinurender ng buung-buo ang kanyang katawan.

Ngayon, bukod sa kanya na ang car, nabigyan pa siya ng bagong teleserye! Ang buhay showbiz nga naman.

Willie at Vice Ganda, ‘most watched’

Sina Willie Revillame at Vice Ganda ang most watched TV personalities today. Hindi po sa taas ng rating ang ibig sabihin nito. Ang mga kenkoy ang siyang tinututukang bantayan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa mga naganap na ’di kanais-nais, biro sa te­levision, at kung anu-ano pang reklamo.

Sa isang performer, lalo na’t komedyante, daig mo pa ang nakatuntong sa numero tuwing haharap sa camera. Konting pagkakamali lang, meron ka agad matatanggap na memo. Kung sinusuwerte ka pa, another suspension.

Indie films na maraming hubaran pinipilit na maraming aral

Tuloy ang pagluha ng line producer na si Danny Batuigas, dahil sa X rating na nakuha ng kanilang indie movie na Oliver: Kung Ako Ikaw. Bida sa ‘‘sex trip’’ movie sina Will Sandejas, Jam Melendez, (kapatid ni Aiko), Marvin Yap, Mike Magat, Jon Romano, atbp. Daming lalaki! Tungkol sa ba­ding na naman.

May nagbulong sa akin (hindi si Fernan de Guzman ha?) na maraming male nudity sa Oliver at pati mga M2M scene pang triple X talaga. Ang katuwiran ni Danny, makabuluhan ang kanyang movie at may moral lesson. Panonoorin ko muna ang Oliver, bago ako humalakhak ng walang sound!

Kung malaswa talaga, sabihin agad sa akin dahil wala akong panahon sa kamunduhan.

Isa pang indie film, Jumbo Jericho, written, directed, and produced by Sandy Es. Mariano ang ipinakita sa amin ang mga poster. Isa-submit na sa MTRCB ang mga layout, sabay sa kopya ng pelikula.

Sa nakita naming poster, pawang mga poging menchu ang come-on. Sa title pa lang na Jumbo Jericho, agad sasabihin na tungkol ito sa isang dakilang macho. Pati istorya nabuo agad sa isip na ang pinagmamalaki ng title role ay ang jumbo-sized niyang sandata.

Ang pilit naman ni Sandy, mali ang akala namin. Say niya, makabuluhan ang kuwentong sinulat niya at maraming mapupulot na magandang aral sa buhay.

Well, hintayin natin ang desisyon ng MTRCB para maipalabas na ang most awaited movie ni Chichalap.

Superman Henry Cavill pinaka-‘dakila’!

Lahat ng mga lumabas na role ng past Superman movies ay pinaretoke na ang bukol sa harapan. Say nila, naka-usli ito sa fitting na costume. Pambata ang ganitong mga pelikula at hindi lang pam-bading kaya dapat hindi masyadong halata ang kargada!

Ang newest Superman sa Man of Steel na si Henry Cavill ang sinasabing pinaka-daks kaya’t sobra ang retokeng ginawa. Ewan lang natin kung totoo dahil ang tingin ng maraming beking autho­rity sa size ay malaki talaga ang katawan ni Cavill, but they doubt kung dakila nga.

Kahit ano pa ang sabihin ninyo, manonood kami ng Man of Steel this week.

DANNY BATUIGAS

HENRY CAVILL

ISA

JAM MELENDEZ

JON ROMANO

JUMBO JERICHO

MAN OF STEEL

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with