Pagbili ni MVP sa GMA, nabuhay na naman?!
Talagang kayang-kaya na bilhin ng grupo ng TV5 ang GMA 7. Nagkaroon lang ng konting diperensiya sa negotiations kaya’t hindi natuloy ang deal.
Nabili na kasi ng grupo ni Manny V. Pangilinan ang majority shares ng Meralco from San Miguel Corporation! Ibig sabihin nito ang MVP group na ang may control sa electric company na matagal nang nasa management ng Lopez group na may-ari rin ng ABS-CBN.
May balitang nabuhay ang deal between TV5 at GMA 7 na tiyak na magÂhahatid ng malalaking pagbabago sa local TV industry pag nagkatotoo ang matagal nang usaping ito.
Young actress hindi pa kayang mag-out, pero kating-kati nang mag-ala Charice
Gusto nang magpaigsi ng buhok ang isang young actress. Ayaw na rin niyang magsuot ng bestida o mga girl’s dress, tulad ni Charice Pempengco. Kaya lang hindi niya magawa. Babaeng-babae kasi ang image niya at meron pa siyang kontrata sa isang network.
Kapag ginawa niya ang mag-out na isang lesbian, baka hindi lang siya itakwil ng kanyang ina. Posibleng kalbuhin siya nang tuluyan. Alam ng ibang close sa kanilang pamilya na tunay na mukhang pera ang kanyang mader. Hindi matatanggap nito ang biglang maglaho ang malakas na income ng anak!
Ang balak ng masunuring anak, hintayin na lang niya ang legal age, upang magawa niyang lahat ang balak niya. Sa ngayon, magtitiis muna siyang pilitin na maka-love team ang isang young actor.
Baka tumikim ng iba, mature actor ang kasama teen actress takot na takot sa karelasyong aktor na mag-a-abroad
Takot na takot ang isang teen female star nang makasama sa show abroad ang kanyang boyfriend ng isang mature actor na authority na sa kamunduhan. Nagbilin ang naiwang artista na huwag bumarkada sa mature actor ang kanyang boyfriend sa kanilang free time.
Baka nga naman matutong kumuha ng mga bayarang chicks ang aktor. Mahirap na matutong mambabae sa abroad ang young guy, baka pag-uwi sa bansa ay iba na ang ugali at hilig. Isa pang pangamba niya, baka makakuha pa ng STD (sexually transmitted diseases) ang aktor doon.
Pahabol ng magaling na writer kay Vice‘Willie Revillame comes in many forms’
Ang isang matinding reaction tungkol sa ginawang pagpapatawa ni Vice Ganda at the expense of Jessica Soho ay galing sa stage actress na si Monique Wilson. Ang sabi niya, isang uri yun ng violence against women.
Pinuna pa ni Monique ang kawalan ng pakiramdam sa kababaihan ng beki.
Ang mungkahi pa ng aktres, dumalo sa isang meeting ng Gabriela ang baklesh para marinig ang mga nakahahabag na istorya ng mga babaeng biktima ng karahasan.
Si Bibeth Orteza naman, na active rin sa GabrieÂla, sinabing ‘‘Willie Revillame comes in many forms,’’ nang mapanood ang ‘‘apology’’ ni Vice GanÂÂda sa Facebook.
Rape joke ng Bubble Gang hindi na nasundan
Kumalat naman sa buong bansa ang gags o jokes tungkol sa rape, na ipinalabas maraming taon na ang nakalipas sa Bubble Gang. Depensa ng GMA, maÂtagal na panahon na ang nasabing mga video.
Ito ang una at huli nilang pagtalakay sa delikadong tema sa palabas, ayon sa network. Hanggang ngayon ay hindi pa nauulit ang gawing katatawanan sa mga palabas ng network ang rape.
Liberace ng Pilipinas nagtatago pa rin sa pagka-bakla
Sina Michael Douglas (as Liberace) at Matt Damon (as the pianist’s lover) ang bida sa biopic ng highest paid entertainer noong kanyang panahon sa pelikulang Behind the Candelabra.
Kasali ito sa competing films in the 66th Cannes International Film Festival at tungkol sa buhay ni Liberace na ilang dekadang itinago ang kanyang pagka-bading. Gumamit pa siya ng mga lady celebrity upang sabihin na tunay na lalaki siya.
Ang say ng mga local showbiz insider, merong ala-Liberace sa ating bansa na pilit na ikinukubli ang kanyang pagka-bakla.
- Latest