^

Pang Movies

Young star feeling bida kahit kinabubuwisitan, ka-love team pinagmamalakihan pa

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tumaas ang mga kilay sa nakarinig sa kuwento ng isang young star na nagbibida na rin sa mga drama series. Siya raw kasi ang third primetime actress ng network dahil sa mga pambidang roles na ibinibigay sa kanya.

Nagmamalaki kasi ang young star sa kanyang ka-love team. Hindi raw siya kayang hiwalayan nito komo nga sa pagbibida niya. Hindi naman umimik ang ka-love team dahil hindi naman niya ugali ang palaaway at magyabang.

Eh ang hindi alam ng young star, kinabubuwisitan na rin siya ng ka-love team. Nagtitiis na lang ito bilang bahagi ng kanyang trabaho.

Kaso, nabibigyan na ngayon ng magagandang break ang ka-love team niya. Gusto marahil ng young star na isama rin siya sa mga trabaho ng ka-love team. Lingid sa kaalaman ng babae, maraming nagagaspangan sa kanyang ugali!

“Hindi na nga kagandahan, pangit pa ang ugali niya!” say ng isa naming kausap.

Alden pinagkamalang si Coco sa probinsiya!

Nakakatawa naman ang kuwento tungkol kay Alden Richards nang magkaroon siya kamakailan ng out-of-town show.

May isang fan kasi na tuwang-tuwa sa kanya. Halos himatayin ang fan nang makita nang malapitan at mayakap si Alden.

Laking gulat ng aktor nang bigkasin ng fan ang name ni Coco Martin na tawag sa kanya, huh! Napangiti na lang si Alden sa tinuran ng fan sa kanya.

Siyanga pala, ngayong malapit nang matapos ang Mundo Mo’y Akin ni Alden, magsisimula na siya sa pelikulang Ten Thousand Hours na pagbibidahan ni Robin Padilla kung saan siya ang gaganap na batang Robin.

Aba, after batang Bong Revilla, Jr., batang Robin naman ang gagampanan ni Alden!

Career ni Kylie inaalala ni Robin

Speaking of Ten Thousand Hours, ito ang bale ang pang-limang project na pagsasamahan nina Robin Padilla at Bb. Joyce Bernal. Kinumisyon ng negosyanteng si Neil Arce ang Philippine Film Studios, Inc. (PFSI) upang siyang mamahala ng movie.

Ang foreign movie na Bourne Legacy ang huling isinaayos ng PFSI nang mag-shooting ang Hollywood movie sa bansa.

Bagong look ang dating ni Binoe sa movie na inspired sa kuwento ng isang prominenteng tao. Pero kahit abala sa kanyang career, dama pa rin sa action star ang pagmamahal sa anak lalo na si Kylie Padilla.

Gusto ni Robin na sabihan namin si Kylie na unahin muna ang pag-aaral bago ang pag-ibig. Pangarap rin niya kasing mailunsad ang anak bilang isang babaeng action hero.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BONG REVILLA

BOURNE LEGACY

COCO MARTIN

JOYCE BERNAL

KYLIE PADILLA

MUNDO MO

NEIL ARCE

PHILIPPINE FILM STUDIOS

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with