Walang problema sa MTRCB Kabaklaan nina Dennis at Tom pinalakpakan!

It seems na maraming tututok sa pagsisimula ng My Husband’s Lover mamayang gabi, pagkatapos ng Mundo Mo’y Akin. At sa maraming manonood, ang iba ay excited kung paano ipakikita nina Suzette Doctolero at Direk Dominic Zapata ang kanilang pinakamapangahas na obra na first time na gagawin ng GMA 7 at ng lead stars na sina Carla Abellana at nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez bilang mga bading. 

Pero ang iba ay tiyak na manonood para mapatunayan nilang hindi maganda ang drama series at para sa kanila ay basura lamang. Maaga pa kasi ay may mga namimintas na. Hindi pa man napapanood ang soap may mga nag-scam na rin sa Twitter na tinatanggal nila ang hashtags ng title kaya wala masyadong nababasa at hindi raw magti-trend ang project. May nagsasabi pang hindi ito dapat payagang maipalabas ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

But don’t worry, tuloy ang airing mamayang gabi ng My Husband’s Lover dahil approved ito ng screening committee ng MTRCB headed by director Maning Borlaza at dalawa pang members ng board. Balita pa na pinalakpakan nila ito matapos ma-screen last Wednesday. Kaya naman mamayang 3:00 p.m. ay magkakaroon ito ng special press preview sa Concept Room ng GMA Network Center.

Maxene aminadong may pagka-psychotic!

Sa pilot week pa lamang ng Mga Basang Sisiw ay ipinakita na talaga ni Ma­xene Magalona ang kontrabida character niya bilang si Vicky na madly in love kay Froilan (Raymond Bagat­sing) kahit asawa ito ng pinsan niyang kumupkop sa kanya, si Olivia (Lani Mercado). Inamin ni Ma­xene nang makausap namin na nag-worry din siya nang malaman niyang kontrabida ang role na gagampanan niya sa afternoon prime. 

Gusto naman niya iyon dahil lagi na lamang siyang inaapi sa mga nauna niyang soap pero hindi lamang kasi siya basta kontrabida ngayon, may pagka-psychotic pa siya. Lovey-dovey siya sa una pero kapag nakarinig siya ng hindi magandang sagot ng kausap niya, bigla siyang nagpi-flare up. 

Biro pa ni Maxene, ganoon din daw siya in real life pero nag-decide siyang mag-one-on-one workshop kay Pen Medina para maibigay niya ang tamang acting.

“I will deal with young boys and girls kasi sa pagganap ko sa role, lalo na sa youngest sa limang magkakapatid na anak nina Froilan at Olivia,” say pa ni Maxene. â€œNaaawa nga ako kay Mickey (Mico Zarsadias) dahil ang bagets English speaking kaya hindi niya alam kung ano ang nangyayari kapag pinagagalitan ko na siya dahil Tagalog ang dialogue ko. Kaya before the take, sinasabi ko sa kanya kung ano ang gagawin ko sa kanya, nakakatuwa, kasi nagri-react naman siya at pagkatapos hina-hug ko siya. First time niya kasing mag-artista, nakapasa siya sa audition.”

 

Show comments