It’s not true, according to new teenage star Julia Barretto na kontra ang kanyang amang si Dennis Padilla, yes, the comedian, sa desisyon niya at ng kanyang mommy na si Marjorie Barretto na maging active sa showbiz.
Ang gusto lang ng kanyang father, kahit nag-aartista na siya, ay ipagpatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral. Which exactly is what she is doing. After all daw, iyon naman ang plano niya, ang sumikat siya sa pag-aartista but not at the expense ng kanyang pag-aaral.
Kaya raw, this year, she is on a home study program kasi busy siya with her taping for Cofradia where she plays the title role.
Zanjoe pinupuri pa rin sa kabadingan
Wow, Zanjoe Marudo, take a bow.
Would you believe na kahit legitimate critics agree na he scored high sa kanyang dual role bilang twin brothers na ang ginagampanan ay isang bakla at macho? Bale ba, the film, Bromance, is doing well sa takilya. Showing pa ito hanggang ngayon sa ilang SM movie houses.
The success of Bromance came on the heels of another successful film, which he also top billed, along with Dingdong Dantes, Angelica Panganiban, and Angel Locsin, Star Cinema’s film entry sa last Metro Manila Film Festival (MMFF).
Star Cinema also produced Bromance.
Currently, Zanjoe turns dramatic naman via his role as foster father to child actress Andrea Brillantes in the series Annaliza. This is an all-out tearjerker.
With Zanjoe in Annaliza, aside from Andrea, are Kaye Abad, Patrick Garcia, Denise Laurel, and Carlo Aquino.
He is also in the cast of the gag shows, Banana Nite and Banana Split Extra Scoop.
Kaye walang choice sa pananakit ng bata
Speaking of Kaye Abad, believable ba na loveless siya at the moment?
During the time na, wika nga, ‘‘namamahinga’’ sa showbiz si Kaye, she was linked to band vocalist Chito Miranda. She staged a comeback via the series Blood Brothers.
Direk Cathy Garcia-Molina, Kaye revealed, offered her the role which, originally, was earmarked for Roxanne Guinoo.
Roxanne reportedly begged off dahil nga siguro mag-aasawa na siya noon. She is now married to a Chinese guy at may dalawa na siyang anak. (Currently, too, nag-i-stage rin si Roxanne ng kanyang comeback via the series, Home Sweet Home, where she plays wife to Mark Anthony Fernandez.)
Of her role in Annaliza, Kaye described it as somewhat offbeat. Kasi isa raw siyang kontrabida, isang role na ’di pa niya naranasang gampanan, she said.
‘‘Madrasta ako rito ni Andrea bilang Annaliza. I’m married to Zanjoe. But before him nagkaroon ako ng dalawang anak na parehong spoiled from a previous romance, ’’ pahayag ni Kaye.
‘‘When Zanjoe left for a job sa ibang bansa, nagsimula na namang pahirapan si Annaliza.â€
How was she able to relate to her role sa Annaliza?
‘‘Naku ha? Sa tunay na buhay, ’di ko kayang manakit ng bata. Pero sabi nga it’s a role. Kaya wala akong choice but to do it.
‘‘Bale ba, magaling din si Andrea for a young newcomer. Kaya, challenge ang makasama siya sa eksena,’’ dugtong pa ni Kaye.
Eh si Zanjoe?
‘‘Dahil nga supposedly umalis siya, ’di pa kami gaanong nakukunan ng maraming eksena. Pero, balita ko, magaling din siya,’’ sagot ni Kaye.