Matapang na naitawid ng Juana C. the Movie ang mensaheng nais nilang iparating sa taumbayan. Pero naikubli ng produksiyon ang kanilang mga banat sa pamamagitan ng mga luka-lukang karakter sa pangunguna ni Mae Paner bilang si Juana Change. Hinulma talaga para sa aktibistang komedyante ang pelikula.
Ang daming pinatamaan sa indie film na ito ng Laganap Productions pero dahil idinaan sa paraang sex-comedy ay hindi masyadong masakit sa tenga ang nagsusumigaw na “makibaka!†-- tulad nang sa rally. Naaliw lahat ang mga unang nakapanood sa red carpet premiere night nung isang linggo.
Tinatalakay sa Juana C. the Movie ang mapait na katotohanan na napapaikot ang mga ordinaryong mamamayan ng mga nasa puwesto para sa kanilang sariling kapakanan. May pulitiko, negosyante, heÂneral, bugaw, at kahit pari ay ’di pinatawad sa istorya.
Ang kawawang biktima ay ang probinsiyanang si Juana na naging big time prosti dahil A. Mahirap lang siya at ’di katalinuhan B. Nainggit sa lifestyle ng mga sosyal na kolehiyalang classmate C. Nagkabaun-baon na sa utang sa credit card para masustentuhan ang luho. Classic ang problema pero ginawang modern ang paglalahad sa pelikula.
Ang boyfriend na si Bayani o Yani for short (John James Uy) ang nagprisintang tutulong pero siya pala ang magiging unang karanasan ni Juana sa mundo ng prostitusyon. Namana ni Yani ang bugaw skills sa kanyang madir, si Mrs. Peaches Tanquintera (Angelina Kanapi), ang reyna sa industriya ng flesh trade.
Nang maipakilala si Juana ni Yani sa kanyang ina, nag-level up ang protege sa ilalim ng pagsasanay ni Madame Peaches. Hindi na siya kailangang mag-crash diet dahil ang mga kliyente niya, kahit dati pa kay Yani, ay tanggap ang kanyang mala-bariles na katawan. ‘Ika nga eh para siya talaga sa mahihilig sa big women. Dedma na sa face.
Dahil sa reynang bugaw ay nakilala ni Juana ang malalaking tao na gahaman sa pera at laman. Matatauhan din siya na ang mga sineserbisyuhan pala niyang VIP ay may koneksiyon lahat sa malaÂking iligal na minahan sa kanilang lugar sa Barrio Kaploc. Kaya pala kahit nakalalason na ang kemikal na dumadaloy sa kanilang “virgin river†ay walang kumokontra, maliban sa mga magulang ni Juana na ayaw kasing magpasuhol.
Sa tulong ng isang ka-barrio at secret admirer na si Hiro (Jelson Bay), anak ng Japayuki, ay ilalantad nila ni Juana sa publiko —sa online — ang natuklasang malaking sikreto. Nakagawa ng malaking unang hakbang si Juana na maituwid ang mali pero nagpakatotoo lang ang pelikula sa pagsasabing hindi basta-basta mabubuwag ang samahan ng mga buwaya. Marami pa raw kasi sila.
Ang minimithing pagbabago ay nangyari sa maliit na bayan ng Kaploc. Pero kailangan din ng ibang bayan ng tulad ni Juana Change.
Magagaling ang mga gumanap sa pelikula. Para sa akin, wapak ang akting at pagiging lukring ng karakter ni Peaches at ni senadorang tomboyita (Madeleine Nicolas). Para sa iba ay si Hiro. ‘Yung iba ay nagulat sa cuteness ni Yani, na parang ka-dila ni Sam Milby kung magsalita, at sa twang ng classmate ni Juana (Annicka Dolonius). May nasorpresa sa kamanyakan ni Gen. Palakpak (Nino Muhlach) at ng bading na businessman (Joel Lamangan). Pero iisa lang ang pinaka-istariray — si Juana.
Kung paanong nakakaaliw ang Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington ay dinoble pa ni Jade Castro ang kabaliwan ng kanyang pagdidirek dito sa Juana C. the Movie sa tulong ng malandi pero malaman na script ni Rody Vera. Si Rody ay producer din at kasangga pa ni Mae/Juana sa adbokasiya.
Mapapanood simula ngayong Miyerkules, June 5, ang regular run ng Juana C. the Movie sa mga sinehan. Swear hindi ito malabnaw.