Juana lusot sa MTRCB

MANILA, Philippines - Sa tema ng pelikulang Juana C. the Movie, na pinangungunahan ng aktibistang si Mae Paner, mabuti raw at nakapasa ito sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), puna ng nakausap naming nakapanood ng premiere night nito. Masyado raw kasing “malalim” ang istorya at laban sa sistema ng gobyerno na ginawa nga lang komedya.

Sa ngayon, sinasabing matatalino na ang moviegoers. Depende na sa kanila kung mauunawaan nila ang palabas o hindi. Pero nakararami pa rin ang masang manonood na ewan kung makukuha nila ang mensahe ni Juana.

Anak ni Jolo naka-first time sa US

Nakaalis na noong Mayo 28 ang pamilya Revilla patungong US. Gusto sana ni Jolo Revilla na makasama si Jodi Sta. Maria sa bakasyon ng pamilya niya sa America. Pero sabi mismo ni Jodi, ayaw niya, dahil una ay lakad ng pamilya Revilla iyon. Ikalawa, marami pa siyang taping na gagawin sa Be Careful With My Heart sa Dos. Ikatlo, kararating lang niya buhat sa US tour ng ipino-promote na romantic comedy TV series.

Ang anak na lang ni Jolo na si Gab ang kasama niya sa America at one day lang silang ahead sa parents niya at mga kapatid. First time ni Gab sa US kaya excited ang bata. Pagbalik ni Jolo, sisimulan na niya ang trabaho bilang bagong vice governor ng Cavite.   

             

Show comments