^

Pang Movies

Derrick naiinggit sa album nina Barbie at Alden

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hanggang ngayon pala ay hindi pa tapos ang album ni Derrick Monasterio na noong 2011 pa niya sinimulan. Naiinggit ang aktor sa partner niya sa Anna Karenina na si Barbie Forteza dahil mabilis na lumabas na ang album nito. Kahit na sa kaibigan niyang si Alden Richards na out na rin ang album ngayon.

Marami raw kasing delay ang kanyang album dahil wala rin siyang maibigay na time para sa recording. Gusto kasi ng kanilang producer na tuluy-tuloy ang recording para mabilis itong matapos.

Ang worry lang kasi ni Derrick na baka mag-iba na ang timbre ng boses niya kapag lalong ma-delay pa ang album niya.

“Okay pa rin naman ang boses natin pero hindi na siya kasing taas tulad dati.

“Kaya ko pa naman mag-falsetto kung kinakaila­ngan. Pero kailangan ko ring iensayo,” sabi ni Derrick.

Maybelyn hindi mabuntis-buntis

Masayang ibinalita ni Maybelyn dela Cruz na siya ang naging No. 1 reelected councilor sa Dagupan City, Pangasinan noong nakaraang May 13 elections.

Natuwa ang dating child actress dahil ito ang second term niya bilang councilor at matutuloy pa niya ang kanyang proyekto para sa ilang barangay ng Dagupan City.

Ever since pinasok ni Maybelyn ang politics dahil na rin sa influence ng kanyang mister na si Michael Fernandez, na dati ring councilor ng Dagupan City, naging aktibo na ito sa iba’t ibang proyekto lalo na kung tungkol sa kalusugan ng mga kabataan.

At dahil tapos na ang election, ang magkaroon naman ng baby ang concentration nila ng kanyang mister. Five years na silang kasal ni Michael pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng sarili nilang supling.

“We have consulted doctors naman and healthy naman kaming pareho. Kailangan lang talaga ng patience.”

Inamin ni Maybelyn na dumaan na sila ng kanyang mister sa invitro fertilization ng dalawang beses. Pero parehong hindi naging successful.

Nagbabalik si Maybelyn sa pag-arte ulit sa bagong primetime series ng GMA 7 na Anna Karenina bilang ina ni Anna Serrano played by Krystal Reyes.

Michael Douglas aminadong sa oral sex nakuha ang throat cancer

Marami ang nagulat sa interview na ibinigay ng Hollywood actor na si Michael Douglas sa diyaryo na Guardian UK kung paano niya nakuha ang kanyang sakit noon na throat cancer.

Inamin ng aktor na nakuha niya ang naturang cancer dahil sa isang STD (sexually transmitted disease) na nakuha niya through oral sex.

Paliwanag ni Douglas na ang form ng throat cancer niya ay caused by human papillomavirus (HPV) na contracted through “cunnilingus” or performing oral sex on a female.

HPV is more famously known to cause cervical and anal cancer.

Na-diagnose si Douglas ng Stage 4 throat cancer in 2010. Dumaan siya sa ilang weeks of radiation and chemo. Ngayon ay two years na siyang cancer-free.

 

 

 

ALDEN RICHARDS

ANNA KARENINA

ANNA SERRANO

BARBIE FORTEZA

CANCER

DAGUPAN CITY

MAYBELYN

MICHAEL DOUGLAS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with