^

Pang Movies

Baguhang male singer nadale na ng mga bakla sa halagang P300 lang!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Humalakhak ang dalawang magkatukayong movie scribes nang marinig ang bagong album ng baguhang recording artist. Pareho kasi sila ng karanasan tungkol sa young male singer.

Doon sa tambayan ng mga estudyanteng kapos sa allowance una nilang na-meet ang mang-aawit. Sinenyas pa ng isang reporter sa kanyang tila punung-punong kamay kung paano kadakila ang singer.

‘‘Sa halagang P300 lang nagetsing ko siya,’’ pagmamalaki naman ng isa.

Same talent fee rin ang gibsung ng pangalawa. Ngayon medyo sikat na siya, tiyak na tumaas na ang tag price!

Sam inaabangan na kung malaki ang improvement sa Tagalog

Hangang-hanga si Judy Ann Santos sa katambal niya sa bagong teledramang Huwag Ka Lang Mawawala na si Sam Milby. Ang kuwento ni Juday kapuri-puri ang pagpupursigi ng aktor na makapagsalita ng diretsong Pilipino.

‘‘Kahit sabihan namin siya na puwede niyang Inglesin ang mga salitang mahirap bigkasin, talagang pinag-aaralan niya nang husto upang tama ang pagkasambit sa Tagalog ng kanyang mga linya,’’ say ni Juday.

Bukod sa tapang ni Sam na harapin ang lahat ng challenge mula sa kanyang role, napansin din ang mahusay niyang pagganap.

Inaasahang malapit nang mapanood si Sam Milby na matatas at tuluy-tuloy na sa kanyang pananagalog. Siyempre handa na rin siyang gampanan ang higit na mabibigat na papel na ipagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

American Idol inaayawan na ng judges

Naubos na ang mga judge ng American Idol (AI) para sa kanilang 13th season sa isang taon. Nag-resign na si Mariah Carey para harapin ang kanyang world tour 2014. Kahit kumita siya ng $18 million para lang sa 12th season, siyempre mas mahalaga sa kanya ang worldwide live concert tour.

Si Randy Jackson na nag-iisa na lang natirang original judge ay nagsabing hindi na siya babalik sa top rating talent search sa 2014. Ang rapper na si Nicki Minaj nagbitiw na rin sa AI.

Mukhang iba ang suwerte ng 13th season para sa international top rater. Sino na kayang popular music personalities ang maaaring mag-judge sa AI, kahit sa isang season lang?

Mga kilalang artista sa pelikula ni Juana maliliit lang ang pangalan

Sa mga hindi gaanong kilala si Juana Change, maliit lang ang atraksiyon ng Juana C. the Movie. Pati ang mga supporting actor ng makabuluhang movie hindi pa rin gaanong sikat — sina John James Uy, Angelina Kanapi, Annicka Dolonius, at Jelson Bay. Pawang mga ‘cynthia at simeon?’ ang narinig namin!

Ang mga kilalang aktor na kasama, kailangan pa ang magnifying lens para makita ang mga name sa poster o ad lay-out ng Juana C. the Movie, tulad nina Niño Muhlach, Joel Torre, at Ronnie Lazaro. Pati mga tanyag na director na sina Joel Lamangan at Soxie Topacio ay nagbigay din ng suporta sa paglabas sa Juana C. the Movie.

Kahit mag-mild hit ito o kaya’y hindi agad ma-pull out sa mga sinehan, puwede palang tangkilikin sa takilya ang isang pelikulang walang star value. Rated R-16 ito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaya for adults only. Puwedeng magkainteres ang marami kung bakit.

Showbiz VIP loyal sa aktres na may mga anak na, bayad sa serbisyo 6 digits pa rin!

Hanggang ngayon isang home-service lady ang isang aktres na hindi na kailangang magtrabaho para mabuhay ng komportable. Siya pa rin ang favorite bed partner ng isang showbiz VIP kapag nalulungkot.

Agad dumarating sa condo unit ng executive ang aktres for the intimate job. Ang kanyang talent fee, six digits pa rin kahit sabihin pang meron na siyang mga tsikiting. Like a vintage wine, higit na sumasarap ang lasa habang nagkaka-edad ’ka nga.

Amalia ayaw mag-Bella Flores sa pagmamaldita

Kahit kontrabida sana ang papel ni Amalia Fuen­tes sa hindi natuloy na Muling Buksan ang Puso, with movie queen Susan Roces, ang gusto ni Miss No. 1 ay ’yon namang kontrabidang may puso.

Ang papel kasing ibinigay sa kanya, purita mirasol. Duda siyang magiging malupit ang isang baba­eng kasing hirap ng role niya sa ‘di natuloy na teleserye. One day lang sila nakapag-taping ng buong 24 hours. Medyo shocked si Amalia sa working hours.

Umasa siyang sa mga susunod na taping ay ma­ba­bawasan naman ang oras ng kanyang trabaho.

Sabi pa niya sa Muling Bubuksan ang Puso role, ‘‘Pang-Bella Flores ang papel na ‘yon.’’

Kahit yumao na si Tita Bella, malayo naman ang personalidad ng dalawang aktres. Siyempre ayaw ng fans na ang isang Amalia Fuentes ay nag-a-ala Bella Flores!

 

AMERICAN IDOL

BELLA FLORES

ISANG

JUANA C

KAHIT

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with