Hiwalayan nina Juday at Ryan gimik lang?!

MANILA, Philippines - Takang-taka si Judy Ann Santos kung bakit hindi mamatay-matay ang balitang hiwalay na raw silang dalawa ni Ryan Agoncillo.

“Kung totoo ang balitang ’yun, bakit hindi ko aaminin? Ni hindi ko nga alam kung saan nanggaling ’yon eh,” sabi niya.

Baka naman gimik lang ito ng ABS-CBN dahil sa bago niyang teleserye, Huwag Ka Lang Mawawala.

“Hindi naman siguro… Hindi naman nawawala sa piling ko ang husband ko,” sabi niya.

Niño nabuhayan ng loob

Thankful si Niño Muhlach dahil buhay na naman ang kanyang career. Dumating kasi sa punto na pinanghinaan na ng loob ang dating child wonder dahil sa kawalan ng proyekto. At ’di naging maganda ang married life.

Naging pasanin din ng actor ang paglobo ng kanyang katawan. Inisip na ’yun ang balakid kung bakit unti-unting lumayo ang offer sa pelikula’t telebisyon.

Nasa cast si Niño ng Juana C. the Movie na ang bida ay ang komedyanang si Juana Change.

Sa totoo lang, bagay sina Niño at Juana. For sure, click sa takilya ang mga katatawan nila, pa-cute, kaeklayan, o kung ano pa man. (ROLAND LERUM)

 

Show comments