^

Pang Movies

Bianca malungkot ang buhay

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Gandang-ganda kami kay Bianca Umali na kasama sa drama series ng Mga Basang Sisiw kung saan pangalawa ito sa magkakapatid na naiwan ng kanilang ina na ginagampanan ni Lani Mercado matapos ang isang plane crash.

Kahit sa totoong buhay ay madrama ang buhay ng dalagita dahil limang taong gulang siya nang mamatay ang ina sa breast cancer at sampung taon naman nang mamatay noong 2010 ang ama sa heart attack. Naiwan siya sa kandili ng kanyang lola (sa ama).

‘‘Nagsisilbing inspirasyon ang aking mga magulang sa akin. Kapag may malungkot na eksena ay iniisip ko ang malulungkot na bahagi ng buhay nang sila’y mamatay pero kapag masaya ang eksena ay iniisip ko ang masasayang karanasan namin sa aming buhay,’’ sabi ng child star.

Unang nakilala si Bianca sa komersiyal hanggang pumasok sa pelikula at telebisyon na gumanap bilang batang Angelika dela Cruz sa Kaya Kong Abutin ang Langit at batang Rhian Ramos sa My Kontrabida Girl.

Naka-home study ang bagets at first year high school na sa pasukan. Pangarap nitong makalabas balang araw sa isang matinding proyekto at magkamit din ng award balang araw.

Lagi niyang kasa-kasama ang kanyang lola noon na 76 years old na pero ngayon ay mga PA na ang kanyang kasama sa mga lakaran, shooting o taping.

Juana change dinumog sa premiere night

Nagulat kami sa dami ng mga taong dumalo sa premiere night ng pelikulang Juana C. the Movie tampok si Mae Paner na lalong kilala bilang Juana Change. Naroon ang mga celebrity guest mula sa iba’t ibang sector ng lipunan, mga cabinet member, dating Gov. Grace Padaca, Risa Hontiveros, Cheche Lazaro, mga madre, at media kaya punumpuno ang sinehan.

’Kaaliw ang mga eksena ni Juana Change mula sa isang pagiging katutubo hanggang mapadpad ng Maynila at naging escort girl at pokpok. Sex comedy ang film pero ’di lumabas na bastos.

Naglalaman kasi ito ng mga patama sa mga pulitiko dahil may advocacy si Juana Change, sa pamamagitan ng kanyang movement, na masugpo ang korapsyon at iba pang sakit ng lipunan.

Tuwang-tuwa si Mae dahil kahit first movie niya ito ay binigyan siya ng malaking suporta ng mga kaibigan sa industriya dahil sa kanyang mabuting pakikisama.

Palabas na ang Juana C. the Movie sa June 5 mula sa Laganap Productions.

 

BIANCA UMALI

CHECHE LAZARO

GRACE PADACA

JUANA C

JUANA CHANGE

KAYA KONG ABUTIN

LAGANAP PRODUCTIONS

LANI MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with