Dingdong hindi napapagod at nagagalit pag kasalan nila ni Marian ang pinag-uusapan

MANILA, Philippines - Tapos na ang presscon ng Dance of the Steel Bars nang dumating ang director nitong si Cesar Apolinario, who co-directed the movie with Marnie Manicad. May coverage raw siya para sa GMA News & Public Affairs bilang reporter ng network at alam niyang kayang i-explain ng bida niyang si Dingdong Dantes kapag tungkol sa kanilang pelikula ang itatanong sa aktor. 

Sina Direk Cesar, Marnie, at Jiggy Manicad ang sumulat ng story, inspired sa pag-cover nila noon tungkol sa dancing inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC). Nang mabuo na ang story, si Dingdong agad ang pumasok sa isip ni Direk Cesar to play the role of Mando, a convicted murderer, na kasama si Allona (Joey Paras), a transsexual, ay tinuruan ang mga inmate ng dance exercises na nakatulong para magkaroon ng reform sa loob ng kulungan ang mga bilanggo.

Napasok ang Hollywood actor na si Patrick Bergin sa cast, ang kumuha sa kanya ay ang Portfolio Films na co-producer ng GMA Films. Nakita raw ni Direk Cesar kung paano kaser­yoso ang aktor pagdating sa shooting nila sa Cebu na inabot ng 10 days. Nagulat pa nga si Patrick na after 10 days ay sinabi sa kanyang tapos na sila at puwede nang bumalik sa Hollywood. Nasanay daw kasi si Patrick sa matagal na shooting ng pelikula.

Ayon kay Dingdong, mahusay ang convincing power ni Direk Cesar kaya napapayag nitong mag-cameo role ang girlfriend na si Marian Rivera. Natanong tuloy si direk kung totoong ipinatanggal ng dating manager ni Marian ang cameo role sa movie.

“Iyon sana ang gusto kong liwanagin. Hindi ipinatanggal ni Popoy Caritativo ang cameo role ni Marian. Hindi lang siya pumayag na maipalabas,” kuwento ni Direk Cesar.  “Naintindihan ko siya at may kasalanan din ako kasi sa tuwa ko, na-bypass ko siya at nakalimutan kong ipagpaalam muna si Marian. Nagpapasalamat ako sa tulong ng fans nina Dingdong at Marian, sila ang nagparating sa bagong management ni Marian tungkol sa nangyari, saka ako nakipag-usap sa Triple A at pumayag naman sila na maisama ang eksenang iyon. Maikli lang iyon pero tiyak na matutuwa ang fans.”

Si Direk Cesar din ang nagkuwento na alam niya kung gaano kamahal nina Dingdong at Marian ang isa’t isa. During their 10 days shooting sa Cebu, never a day daw na hindi magkausap ang dalawa. Alam daw niya kapag kausap ni Dingdong si Marian dahil lagi raw itong nakangiti at kapag biniro niyang “si Marian ba ’yan?” ay big grin ang sagot ng aktor sa kanya.  

Kaya nga kahit paulit-ulit na lamang ang tanong kay Dingdong tungkol sa pagpapakasal nila ng actrtess girlfriend, na hindi naman siya nagagalit at nagsasawang sagutin, nakangiting sabi nito: â€œIf ever magkakaroon na ng wedding sa akin ’yon manggagaling. Ako ang magku-confirm. Sa ngayon let us just promote love, peace, and Dance of the Steel Bars sa Independence Day, June 12, in all SM Cinemas nationwide.”

Sa June 7, pupunta si Dingdong at mga taga-GMA Films para sa premiere showing ng movie sa Cebu. Sa SM Megamall naman ang premiere night sa June 10.

 

 

Show comments