Hindi na nagugustuhan ng marami ang pagiging “monster†na ng biglang sikat na aktres na ito. Malayo na ang kanyang ugali noong hindi pa siya nakakaranas na mabigyan ng lead role.
Mabait at madali raw katrabaho ito noon. Ngayon ay pahirapan na at marami ng reklamo ngayon. Ang pinaka-latest na “monster†attitude nito ay naganap sa shooting ng kanyang isang pelikula. May mga eksena na hindi siya puwede ang gumawa dahil medyo mahirap. Meron siyang naka-standby ng dobol.
Noong kukunan na raw ang dobol para sa eksena niya, bigla itong tumili sa set at sinabing palitan ang kanyang dobol dahil masyado raw itong mataba.
Hindi naman daw gano’n ang katawan niya at baka masira ang image niya sa ibang tao kung akalain nilang katawan niya ang tumatayong dobol niya.
Natigil ang production dahil naglilitanya sa cell phone ang reklamadorang aktres at kausap ang kanyang manager. Nagsusumbong ito dahil sa matabang dobol na kinuha para sa kanya.
“Ano naman ang gusto niyang gawin namin? Maghanap ng dobol na eksakto sa sukat niya? Sobra na siyang magreklamo. Pinapalampas na namin ang mga reklamo niya sa pagkain, tubig, at dressing room. Para lang walang maging problema at hindi niya ituloy ang banta niyang walkout.
“Ngayon pati ang dobol ay nirereklamo niya. Hindi na siya naawa sa tao. ’Yun na ang gagawa ng mga mahirap na eksena niya, pinapapalitan pa niya,†himutok ng source namin.
Isang oras din natigil ang shooting pero wala ring nagawa ang aktres dahil tinuloy pa rin ng direktor na kunan ang ka-dobol kahit na ayaw pa niya.
“Hindi umubra ang talak niya sa director at producer namin. Saka wala siyang karapatang magreklamo at magpatanggal ng kahit na sinong tao sa set.
“Unang-una, bayad na siya ng buo para sa pelikula kaya hindi siya puwedeng mag-walkout. ’Yun ang request niya kaya paid in full na siya ng produ namin. Kaya mataba man o hindi ang dobol niya tuloy ang shooting at tatapusin niya ang pelikula or else idedemanda siya ng produ namin,†diin pa ng aming source.
Enzo taga-bayad na ng gastusin sa bahay, mga katulong at driver sinusuwelduhan din
Kahit malaki na ang kinikita ni Enzo Pineda mula sa kanyang TV shows at endorsements ay wala pa naman siyang balak na kumuha ng sarili niyang bahay or condo unit. Mas pinag-iipunan niya ang pambili ng isang sports car.
Kung tutuusin ay kaya na niyang bumili ng sarili niyang condo unit para masubukan na niyang mamuhay independently. Pero ayaw niyang iwan ang bahay nila.
“Iilan na nga lang kami sa bahay ’tapos aalis pa ako. My dad is always out of the country. Si mommy, gano’n din. My kuya rin naman, in and out din siya ng bansa. Kaya natitira na lang sa bahay ay ako at ang mga kasambahay namin. Kung aalis pa ako, malungkot na ang bahay. Kakalug-kalog na lang sila roon.
“Siguro kung bibili ako ng condo o bahay pang-investment ko na lang,†sabi ni Enzo.
Si Enzo na rin ang namamahala sa lahat ng gastusin sa bahay nila. Natuto na raw siya maging responsible sa perang kinikita niya.
“I pay for the electricity, water, and phone. Ako na rin nagpapasuweldo sa driver ko at sa mga kasambahay namin. Ako na ang nag-volunteer na gawin ’yon para matuto akong hawakan at ayusin ang mga kinikita ko.
“But of course, may tinatabi ako para sa savings ko. May gusto akong bilhin na sports car at pinag-iipunan ko iyon,†pagtatapos pa ni Enzo na isa sa leading men ni Kim Rodriguez sa GMA afternoon series na Kakambal ni Eliana.