Matapos ang mahaba-haba ring panahon, nagbigay na ng desisyon ang Court of Appeals na nagsasabing tama ang desisyon ng Movie and TeleÂvision Review and Classification Board o (MTRCB) na suspindihin ng isang buwan ang show at host nitong si Willie Revillame, matapos niyang pagsayawin na parang isang macho dancer ang isang batang anim na taong gulang lamang.
Tinawag din ng associate justice na si Manuel Barrios ang TV host-comedian sa kanilang decision na “insensitiveâ€. Mali rin diumano ang kawalan nila ng pansin sa pag-iyak ng bata na nangangahulugang hindi niya gusto ang kanyang ginagawa o nahihiya siya.
Sinabi rin nila na ang mga ganoong bagay ay nagagawa sa mga night club pero kinatigan nila ang MTRCB sa pagsasabing hindi dapat na ginagawa ang mga ganoong bagay sa telebisyon, lalo na nga at sa primetime.
Samantala, natuwa naman si MTRCB Chairman Toto Villareal sa pagkatig sa kanila ng Court of Appeals. Hindi rin naman namin maintindihan kung bakit ang mga TV network basta may desisyon ang MTRCB na hindi nila nagustuhan ay tatakbo agad sa korte at magdedemanda. Ang batas na lumikha mismo sa MTRCB, iyong PD 1986, ay nagsasabing kung may reklamo sa desisyon ng board ay maaari silang umapela para iyon ay ma-review ng board en banc.
Kung hindi pa rin sila kuntento, maaari silang magsampa ng reklamo sa appeals comÂmittee sa Office of the President. Pero ibang klase nga ang nangyayari lately na naghaharap na lang sila ng kaso sa korte.
Kung babasahin mong mabuti ang batas, walang pakialam ang korte sa desisyon ng MTRCB. Kung ang mga network ay hindi pa rin masiyahan sa desisyon ng appeals committee na nasa tanggapan ng pangulo ng Pilipinas, doon pa lang sila dapat na magsampa ng kaso sa korte.
Dati naman kasi ganoon eh. Ang broadcast industry kasi noon ay binubuo ng mga broadcaster talaga. Ngayon ang nasa broadcasting industry ay puro mga corporate lawyer na.
Dan Brown may pinagbabasehan sa pagtawag sa Maynila ng ‘gates of hell’
Nagpadala pa ng sulat si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa manunulat na si Dan Brown bilang protesta sa sinabi noon sa kanyang libro na ang Maynila ay “gates of hell†dahil sa naranasan ng character na aÂnim na oras na traffic, mga mandurukot, mga crimiÂnal, at mga prostitute kabilang na ang mga bata na diÂnaÂdala pa ng mismong magulang sa mga bugaw dahil sa kahirapan.
Ganyan din ang ginawa ng nakaraang administrasyon noon nang sabihin ng aktres na si Claire Danes na ang nakita niya sa Maynila ay maraÂming ipis at daga.
Hindi namin kinakampihan si Brown, at hindi kaÂmi naniniwalang dapat siyang kampihan, pero hindi ba totoong gano’n naman ang nangyayari sa Maynila ngayon? Hindi halos gumagalaw ang traffic sa EDSA at noong isang araw ay inabot kami ng dalawang oras na traffic sa Roxas BouleÂvard ’tapos nakita namin ang dalawang hagad na piÂnatigil pa kami kahit na naka-go ang signal light dahil may daraang “mga diyos nila.â€
Hindi ba maski si Presidente Noynoy Aquino ay sinasabing ayaw niya ng wang-wang? Bakit gano’n, may mga escort namang hagad ang iba?
Ang prostitusyon laganap naman talaga sa Maynila. May isa pa nga kaming source na nagsabi sa amin na may “isang malakas†na nagpapadala sa Pilipinas ng mga batang, batang babae at lalaki ring mga Tsino na pagdating dito ay nagiging prostitute. Ibinubugaw naman sila sa mayayamang mga Tsino rin o sa mga mayayamang bakla at matrona naman ang mga lalaki.
Kaya kung iisipin, totoo ang sinasabi ng chaÂracter na si Sienna Brooks sa nobela ni Dan Brown.