Charice boy na boy ang packaging nang makita sa mall, tattoo kitang-kita rin na dumami

May nakakita kay Charice na nagsa-shopping sa Alabang Town Center sa Alabang, Muntilupa. Ang sabi ng mga eyewitness, ma­­­raming kasama si Charice kaya hindi nila matukoy kung alin doon ang girl na nali-link sa kanya.

Nakatira si Charice sa Cavite at ang mall na pinuntahan nila ng kanyang mga kasama ang pina­kamalapit sa lugar na tinutuluyan niya.

Kung ano raw ang hitsura ni Charice sa mga litrato na kuma­lat sa Internet, ganoon din ang hitsura niya ngayon. Boy na boy daw ang packa­ging ni Charice at totoo ang tsismis na nadagdagan ang mga tattoo sa kanyang katawan.

At dahil kontrobersiyal si Charice, pinagti­tinginan siya ng mga tao na naka-sight sa kanya sa mall.

LT tumanggap ng isa pang mahirap na drama

Maluwag na ang schedule ni Lorna Tolentino kaya tinanggap na niya ang offer na mag-guest sa Magpakailanman ng GMA 7.

Naging busy si LT sa shooting ng Burgos at nang makumpleto ito, tiyempo na dumating ang alok na umapir siya sa weekly drama anthology ni Mama Mel Tiangco.

At least, hindi na mahihirapan si LT na mag-switch ng karakter. Deglamorized na degla­morized siya sa kanyang role bilang Mrs. Edita Burgos, ang ina ng missing political activist na si Jonas Burgos.

Mahirap ang papel na ginampanan ni LT kaya hindi muna siya tumanggap ng ibang project hangga’t hindi natatapos ang filming ng Burgos na mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Marvin hahanap muna ng solusyon sa ginawang problema ng contestant

Nabalitaan ko na nagbalak si Marvin Agustin na magpatawag ng presscon para sagutin ang kontrobersiya tungkol sa Karinderya Wars pero hindi natuloy ang plano dahil pinayuhan siya na maghanap muna ng solusyon sa problema na nilikha ng contestant na si Vivian Pinlac.

Sa totoo lang, walang kasa­lanan si Marvin sa kaguluhan na nangya­ri. Si Vivian ang may pagkakamali dahil inamin niya sa Facebook na siya ang nanalo sa grand finals ng Karinderya Wars na ipapalabas pa lamang sa susunod na buwan. Maliwanag pa sa sikat ng araw na nilabag ni Vi­vian ang confidentiality agree­ment sa pagitan niya at ng Karinderya Wars. Kung hindi naging excited si Vivian, hindi sana siya nalagay sa alanganing posisyon. Pera na, magiging bato pa yata...

Mahirap naman na ulitin ang taping ng grand finals dahil malaking gastos ito. Kung hindi naman bibigyan ng solusyon ang eskandalo, si Marvin at ang kanyang production company ang masisira dahil siya ang producer ng show.

Sarah at Matteo may special connection

Wala sa Pilipinas ang aking favorite singer na si Sarah Geronimo. Lumipad si Sarah sa Amerika noong Huwebes dahil sa kanyang concert sa Nob Hill Masonic Center, San Francisco, California sa May 25 (May 26, Manila time).

Si Matteo Guidicelli ang special guest ni Sarah sa concert. Ano ang koneksiyon nila? Ex-boyfriend ni Maja Salvador si Matteo at nabulilyaso ang relasyon ni Sarah kay Gerald Anderson. Sina Maja at Gerald ang magkarelasyon ngayon.

Show comments