^

Pang Movies

Batang nagbabalat, nagpapaltos at nagsusugat tutulungan sa Wish Ko Lang

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa Marinduque, may isang bata na may kakaibang sakit sa balat na wala na raw lunas. Ang labing-isang taong gulang na si Joyce ay mayroong epidermolysis bullosa. Siya ay nagbabalat, nagpapaltos, at nagsusugat. Madalas naihahambing ang kondisyong ito sa pakpak ng mga paru-paru dahil sa selan nito.

Mula nang lumala ito, tumigil na siya sa pag-aaral dahil sa pangungutya ng iba at nahihirapan na rin siya sa kanyang kalagayan. Anong kinabukasan ba ang naghihintay sa batang si Joyce gayung dala-dala na niya ang kondisyon na ito hanggang sa kanyang paglaki?

Samantala, balikan naman ang kambal na sina Jennifer at Jennilyn sa Baguio na ipinalabas sa Wish Ko Lang! noong 2006. Doo’y naipakita ang pagsusumikap ng kanilang ina na nangangalakal para mairaos ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Natunghayan din ang pagtitiis ng magkapatid sa ilaw ng poste para makagawa lang ng kanilang assignment.

Makalipas ang pitong taon, muling kakamustahin ng Wish Ko Lang! ang mag-iina at dito’y malalamang marami na ang nabago mula noong huli silang makita.

Ang kambal ay nakapagtapos na sa kursong nur­;sing at bilang estudyante, magagandang marka ang nakuha nila. Patunay na binigyang halaga nila ang scholarship na natanggap nila noon. Kaya naman ngayon ay makikitaan na sila ng ngiti sa mukha sa pag-asang ang pinapangarap na tagumpay ay mas madali na nilang makakamit.

Huwag palalampasin ang Wish Ko Lang! ngayong Sabado, Mayo 25, sa GMA 7.

 

vuukle comment

ANONG

HUWAG

JENNIFER

JENNILYN

KAYA

MADALAS

MAKALIPAS

SA MARINDUQUE

WISH KO LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with