Ruffa ayaw pa ring tantanan ni Yilmaz Bektas?!

Tweet naman ni Ruffa Gutierrez sa kanyang @iloveruffag: “Unbelievable! It’s been so many years and I’m still being followed. Hello stalkers, next time be accurate in reporting to your boss!” 

Kababalik lamang from a short vacation si Ruffa after ng elections at muk­hang nasundan siya ng mga stalker niya, ang boss kayang sinasabi ni Ruffa ay ang dati niyang husband na si Yilmaz Bektas?

Pelikula ni Dingdong na naburo ng tatlong taon, ipapalabas na

May sarili namang way si Dingdong Dantes para iboto ng fans si Marian Rivera sa 100 Sexiest Women ng FHM magazine for men. Sa kanyang Instagram (IG) ay nai-post niya ang cover picture ni Marian ng FHM at sabi niya: “I am proud of how sexy, yet classy and wholesome this photo shoot turned out. No doubt, she is my number one, with or without the poll. Cheers to you @therealmarian.” 

Congratulations din pala kay Dingdong, Direk Cesar Apolinario, GMA Films, at Portfolio Films dahil ang indie film na Dance of the Steel Bars na tungkol sa dancing inmates ng Cebu, ay nabigyan ng Grade A rating ng Cinema Evaluation Board (CEB). 

After three years, maipalalabas din ang movie na may special participation naman si Marian.

Alden tinatawanan lang ang pagli -link kina Lauren at Julie Ann

Ang husay lagi ni Alden Richards sa pagganap sa mga dramatic role kaya naman maraming pumupuri lagi sa kanya sa pagganap niya as Jerome sa Mundo Mo’y Akin. Pero mukhang feel na feel ng fans ni Alden ang episode ng drama series na Wagas dahil for the third time ay muli itong ipalalabas sa Sa­turday sa GMA News TV. 

Nalungkot naman si Alden sa pagkawala ng Party Pilipinas na, biro niya, nawalan siya ng income tuwing Sunday. Pero masaya rin siya dahil may chance siyang makapag-promote ng kanyang self-titled debut album from Universal Records na nasa top chart na ang carrier single na Haplos mula sa Shamrock.

Pagdating naman sa kanyang love life, zero pa rin ito dahil ang focus lamang niya ay ang kanyang career. Okay lamang na naili-link siya sa leading ladies niya, tulad nina Louise delos Reyes, Julie Ann San Jose, at ngayon kay Lauren Young na bago niyang leading lady sa Mundo Mo’y Akin. 

Natatawa na lamang siya kapag pilit siyang inili-link kina Julie Ann at Lauren na nali-link din kay Elmo Magalona dahil hindi naman totoo.

 

 

 

Show comments