^

Pang Movies

Wala talagang fans magkarelasyong starlet at aktor na halos maglupasay sa pagrampa, hindi pinapansin ng mga tao!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Halos maglupasay na sa pagrampa sa Tomas Mo­­rato Avenue, Quezon City ang isang starlet with her actor partner pero hindi naman sila masyadong pina­pansin ng mga tao.

Baka naman konti lang talaga ang kanilang fans o nakakakilala sa kanila? Mahigpit pa naman ang kanilang network at ayaw na magkalat kung saan-saan ang kanilang mga artista. Gusto kasi ng TV station tumaas ang star value ng kanilang mga contract artist.

Kapag natanggap na ng dalawa ang warning, tiyak na liligpit agad sila. Kapag hindi sila sumunod, baka mawalan sila ng assignment kahit mga bit role lang.

Aktres libangan na ang pakikipag-away

Kailangan pang magpaliwanag si Ryza Cenon na iba ang katauhan niya sa mga kontrabida role na ginagampanan.

‘‘Nakapapagod kaya ang makipag-away nang makipag-away,’’ sabi niya.

Sa harap lang ng camera pagod na sa away si Ryza, paano na kaya kung sa totoong buhay ginaga­wa tulad ng aktres na kilala namin? Baka naman wala siyang kapaguran at ito ang kanyang libangan!

Mommy Raquel nakakalito ang mga sinasabi sa kalagayan ni Charice

Medyo naguguluhan ang ibang tao at hindi ga­anong masakyan ang say ng ina ni Charice na si Raquel Pempengco.

‘‘Ang sinasabi ng aking puso bilang ina ay ha­yaan ko siyang ilantad ang tunay niyang katauhan. Kung ano ang gusto niya, okay lang dahil doon siya liligaya,’’sabi ng madir.

Tulungan mo na kaya ang iyong daughter na maglantad?

Lovi ayaw sundan ang yapak ng kapatid

Sa pagkapanalo ni senator-elect Grace Poe-Llamanzares sa nakaraang eleksiyon ay marami agad ang nagtanong kay Lovi Poe kung may balak siyang pumasok sa pulitika.

‘‘Hindi ito ang linya ko,’’ say ni Lovi. ‘‘Hayaan na lang natin ang mga expert.’’

Puwede ka pa namang mag-aral dahil you’re still young.

Malay natin baka maaari pa kayong maging isang political clan?

Jennylyn nganga pa sa proposal ni Luis

Tigas ang pagtanggi ni Jennylyn Mercado sa speculation na magka-live-in na sila ni Luis Manzano. Natatawa pa siyang nagsabi (was that a nervous laugh?) na, ‘‘Malayo pa. Malayung-malayo pa.’’

At ilang ulit na bang nabanggit ng aktres na kahit minsan ay hindi pa siya nakatanggap ng marriage proposal mula kay Luis?

Sam nahiyang magpa-picture sa Oscar best actress

Naging mistulang fans ang mga starstruck na artistang Pinoy na nasa Cannes International Film Festival sa France. Lahat sila gustong magpa-picture sa famous stars na nandoon.

Type ni Sam Milby na makunan with Oscar best actress Jennifer Lawrence. Mahiyain lang siya kaya’t hindi nangyari ito.

Ang ibang Pinoy actors, pati sa mga direktor, nagpa-litrato. Bihira kasi ang okasyon na makasama ang mga leading filmmaker. Pero lahat naman ng ating mga artista, hinahangaan at pinagtitinginan kapag rumampa na sa red carpet, pati si Evelyn Vargas.

Apl.de.ap pinarangalan dahil sa pagtulong sa mahihirap

Pinarangalan ang Pinoy/American rapper na si apl.de.ap (Allan Pineda) ng This Time Foundation sa pagkakaloob sa kanya ng Spirit of Inspiration Award sa isang formal ceremony sa Beverly Hills Wilshire Hotel, California, USA.

Ibinigay sa tanyag na hip hop artist ang parangal para sa kanyang maraming tulong sa mga mahihirap sa Pilipinas at ibang panig ng Asia. Nabanggit ang apl.de.ap Foundation na patuloy ang mga project at pagtulong at magkaroon ng

 

vuukle comment

ALLAN PINEDA

BEVERLY HILLS WILSHIRE HOTEL

CANNES INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

CHARICE

EVELYN VARGAS

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with