Inunahan na, kontrata wala na talagang planong i-renew TV5 tinanggap ang pagpapaalam ni Willie Revillame

MANILA, Philippines - Nagbigay na ng pahayag ang TV5 management na siyang naglalabas ng programang Wowowillie ni Willie Revillame kaugnay sa naunang sinabi ng TV host-comedian sa kanyang noontime show na siya ay magpapaalam na.

Tatapusin na lang ni Willie ang kontrata sa mana­gement hanggang October.

“We respect the decision of Mr. Willie Revillame to retire upon the expiry of his contract with TV5. We wish him well in his new pursuits,” ang media statement na ipinadala ng Kapatid  Network.

“Ang last day of my contract ay October 15. Maybe October 12 will be the last show ng Wowowillie,” ang bahagi ng sinabi ng TV host sa programa.

Ang balita, inunahan lang umano ni Willie ang magiging announcement dahil wala na talagang balak ang TV5 na i-renew ang kanyang kontrata.

Show comments