Totoo nga na nagmukhang matanda ang young actress na trying hard na maging dalaga sa paningin ng fans.
Nakita ko ang latest pictorial ng bagets na hindi ko agad nakilala dahil naging kamukha na siya ng kanyang ina na carbon copy niya.
Hindi ko maintindihan kung bakit minamadali ng young actress ang pagdadalaga. Pati ang klase ng pananamit niya, hindi bagay sa edad niya. Hindi pa huli para i-repackage ng young actress ang kanyang image or else, mother roles na ang gagampanan niya sa susunod na taon.
Sharon binigyan ng mga problemang sosolusyonan
Tatahimik-tahimik si Sharon Cuneta pero may pinagkakaabalahan pala siya, ang taping ng kanyang drama series na may pamagat na Kapitana de Barangay.
Si Joel Lamangan ang direktor ng drama series na tungkol sa mga problema na bibigyan ng solusyon ni Sharon. I repeat, drama ang programa ni Sharon sa TV5, hindi reaÂlity show na kagaya ng Face to Face ni Amy Perez.
Pagkatapos ng mga pinagdaanan, Nancy magre-relax sa ibang bansa
Maraming salamat kay senator-elect Nancy Binay sa birthday card at gift na ipinadala niya sa akin.
Pupunta sa ibang bansa si Mama NanÂcy para magÂbakasyon, kasama ang kanyang paÂmilya.
KarapaÂtan ni Mama Nancy ang magpahinga daÂhil matindi ang pinagdaanan niya noong panahon ng kamÂpanya at eleksiyon.
Ang sabi ni Mama Nancy, hindi niya naÂkakalimutan ang pangako na birthday treat sa entertainment press. Matutuloy raw ang birthday dinner kapag nakabalik na sila ng kanyang pamilya mula sa kanilang biyahe sa ibang bansa.
Marvin tahimik pa sa eskandalo ng kanyang programa
Quiet pa ang kampo ni Marvin Agustin tungkol sa eskandalo sa kanyang reality show na kagagawan ng KarinderÂya Wars winner na si Vivian Pinlac.
I’m sure pinag-aaralan ni Marvin at ng production staff ng Karinderya Wars ang desisyon nila tungkol sa pag-amin ni ViÂvian na ito ang nanalo, kesehodang sa susunod na buwan pa ang grand final ng show.
Hindi nila puwedeng ipagwalang-bahala ang malaking kapalpakan na nangyari. It’s a must na maglabas ng statement si Marvin at ang kanyang production outfit. Dapat nilang harapin ang malaking problema na ginawa ng kanilang contestant. Mahirap nang i-deny na walang nilabag si Vivian dahil may mga ebidensiya na kasing liwanag ng sikat ng araw.
Nilabag ni Vivian ang confidentiaÂlity clause sa kontrata niya sa Karinderya Wars. Marapat lang na patawan siya ng parusa dahil sinira niya ang diskarte ni Marvin at ng production staff.