^

Pang Movies

Prequel ng Juan dela Cruz magsisimula na sa Lunes

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mula sa lumalaking mundo ng no.1 super-hero drama series na Juan dela Cruz, muling magbabalik ang Kapamilya child wonder na si Izzy Canillo bilang ang pilyong batang si Juan sa pinakabagong Kapamilya Gold teleserye na My Little Juan.

Unang nagpabilib sa reality talent search na Star Circle Kid Quest Season 3, at mga programang tulad ng Ikaw ay Pag-ibig, at Goin’ Bulilit, higit na tumatak sa puso ng mga manonood si Izzy nang kanyang gampanan ang makulit at bibong karakter ng batang Coco Martin sa Juan dela Cruz.

At sa pagbubukas ng My Little Juan, muling bibigyang-buhay ni Izzy ang papel ng kakaibang batang si Juan na siyang bunga ng pagmamahalan ng Tagabantay na si Amelia (Mylene Dizon) at ng Haring Aswang na si Samuel (Albert Martinez).

Tunghayan sa My Little Juan ang kwento ng buong pagkatao at pinagmulan ni Juan at ang kanyang exciting na adventures kasama si Fr. Cito (Jaime Fabregas) bago siya maging isang ganap na superhero. Ang My Little Juan ay sa ilalim ng direksyon ni Darnel Villaflor.

Huwag palampasin ang kapanapanabik na pagsisimula ng My Little Juan, ngayong Lunes, 2:45 ng hapon, pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold.

Motorcycle Diaries dumayo sa Camarines Norte

Ngayong Mayo, bibisitahin ng Motorcycle Diaries ang rehiyon ng mga  magayon at uragon – ang Bicol Region!

Probinsiya ng Camarines Norte ang first stop sa unang yugto ng Bicol Expedition. Sa gitna ng kabukiran sa bayan ng Paracale nakilala ni Jay ang isang pambihirang lolo. Sa edad na sitenta y singko, nagagawa pa rin ni Tatay Deo na maggapas, umakyat ng puno at magbiyak ng buko. Ang nakakabilib, ginagawa niya ito sa kabila ng pagiging bulag!

Sa bayan pa rin ng Paracale, pangunahing kabuhayan ng mga residente ang pagmina ng ginto. Pero ngayon hindi na lang nila ito minimina, umuusbong na rin ang industriya ng paggawa ng alahas na ginto!

Mga prutas naman ang itinuturing na gintong pinagkakakitaan ng mga tao sa ilang bayan ng Camarines Norte. Ipinagmamalaki sa bayan ng Labo ang Formosa Pineapple o Queen Pineapple. Bukod sa matamis, malinamnam at malutong     nitong laman, iba’t ibang produkto pa ang nakukuha sa pinyang ito tulad ng piña cloth at papel. Isa pa sa inaasahan ng mga residenteng makapagpapabango sa ekonomiya ng kanilang bayan ang dahon ng tanglad china grass o citronella na ginagawa nilang mabisang pamatay-insekto. Sa bayan naman ng Basud iba’t ibang klaseng kabuteng maaaring kainin ang pinararami.

Isang natatanging tao ang naninirahan sa bayan ng Basud. Kilalanin si Joselito Montemayor, ang nag-iisang Buko King! Kaya niyang magbalat ng buko gamit lang ang kanyang ngipin at ang record niya na pinanghahawakan… sampung segundo lang naman! Minsan na siyang kinilala sa buong mundo bilang taong may pinakamatibay na ngipin! Pero ang nakamamangha, ang natatanging talento tila naipasa na niya sa kanyang mga anak.

Sulyapan rin ang pakikibaka sa buhay ng mga batang sumisisid sa kailaliman ng dagat para mang­huli ng isda gamit ang pana!

Angkas na sa panibagong paglalakbay at kumapit ng mahigpit sa unang yugto ng Bicol Expedition kasama ang award-winning documentarist na si Jay Taruc ngayong Huwebes, 10pm sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV channel 11.

 

ALBERT MARTINEZ

ANG MY LITTLE JUAN

BICOL EXPEDITION

CAMARINES NORTE

JUAN

KAPAMILYA GOLD

MOTORCYCLE DIARIES

MY LITTLE JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with