MANILA, Philippines - Wala talagang suwerte sa pagkakaroon ng matagal na TV show ang isang kilalang celebrity. May dala yata siyang malas kaya naman hindi masyadong nagtatagal ang bawat show na sinasalihan niya.
Ilang beses na itong napapansin ng mga nakasamang artista ng celebrity. Eh, paborito yata siya ng network kaya pag may konseptong naisip, ang celebrity agad ang kinukuha. Pero ang ending, hindi nagtatagal sa ere ang show, huh!
Heto’t may balita kaming matitigbak na naman ang show na kinabibilaÂngan ng celebrity. Wala rin kasing ratings at commercials na pumapasok. Kaya sa halip na malugi na naman, sibakin na lang ang show lalo na’t mahal ding sumingil ng talent fee ang celebrity, huh!
Aga kailangan ng tulong ng media, kalaban naghahabol pa
Madaldal pala ang kalaban ni Aga Muhlach sa 4th district ng Camarines Sur sa pagka-congressman. Halos hindi makasingit sina Julius Babao at Atty. Claire nang mainterbyu nila kahapon sa DZMM.
Pinabulaanan ni Wimpy Fuentebella ang claim ni Aga na siya na ang winning candidate. May mga basehan siyang ebidensiya na siya ang leading candidate sa distrito kahit hindi pa raw tapos ang canvassing ng boto.
Of course it is Wimpy’s words against Aga. Kailangan niyang magsalita lalo na’t pamilya nila ang mapapahiya kung sakaling matalo siya ni Aga.
Kaya sa sudden turn of events sa CamSur, heto’t nagpapatulong ang mga kaibigan ni Aga na bantayan ang boto pati na kaligtasan ng aktor. Isa nga naman siyang dayuhan sa lugar na walang kakampi sa oras ng kagipitan.
Cong. Angara natulungan ng showbiz
Wala rin naman palang binatbat sa pag-e-endorso ang dalawang sikat na artista dahil ang kandidato nilang sinusuportahan ay wala rin namang kapupuwestuhan, huh!
Mabuti pa sina Sarah Geronimo at Coco Martin na malaki ang tulong kay Congressman Sonny Angara. Imagine, mula sa Kongreso, sa Senado na sasabak si Angara, huh!
Kasi naman, nu’ng mga surveys, halos hindi pumasok sa last two slots si Angara. Pero nang maglabasan na ang resulta, sa mas matatag na number 6 ang puwesto niya!
Of course, hindi naman masasabing one hundred percent ang naitulong nina Sarah at Coco dahil dumagdag din sa pagtulong sa kanya si Mother Lily. With these three top showbiz personalities plus ang advocacy ni Sonny sa edukasyon, na-translate sa boto ang pinaghirapan ng mga taong tumulong sa kanya!
Ay, makakapagbakasyon na ang pamilya ni Coco sa Boracay kasama ang pamilya niya na pramis sa kanya ni Sen. Sonny!